ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 25, 2021
Unti-unti na ring ipinararamdam ni Bea Alonzo ang pagka-sweet niya sa new boyfriend na si Dominic Roque. Kamakailan ay nag-camping ang new couple sa California, USA.
Hindi na rin nahihiyang mag-post ang aktres ng video kasama si Dom kung saan kinukunan niya ito ng video habang gumagawa ng kanilang campsite sa Yosemite National Park.
Ipinakita rin naman ni Dominic ang paggi-grill ng food ni Bea.
Hindi lang naman ang new lovebirds ang nasa camping area. Kasama rin nila ang kanilang mga kaibigan.
May ibinahagi ring group picture si Dom na ipinost niya sa kanyang social media account at doon ay makikitang naka-hug si Bea sa kanya.
O, 'di ba, ang sweet?
Siyempre pa, kinilig na naman ang Bea-Dom fans.
Anila, “So happy for Bea, at least mahal na mahal siya ni Doms.”
“Bagay silang dalawa, aanhin mo ang sikat at maraming pera kung problema naman, kaya kay Dom-Bea na ako.”
“BIRTHDAY HUG… SOOO… NAKAKA-IN LOVE!”
“End game n'yo na sana ang isa't isa, pls? Bagay kayo.”
“What I like is that she didn't just jump into another relationship right away but she took her time. Happy for them!”
“Yehey! All-out na sila. I'm so glad to see na mahal na mahal talaga ni Doms si Bea. She deserves all the love in the world.”
“Awww, 'kakilig naman! Pa-hug din, Papa DOM. Bagay height nila together.”
“Wow. Couple shoes ba? Congrats!”
“Happy for BeaDom! So bagay!”
“Bagay and they look so happy! Bea is a good person and I am glad she found a real gentleman.. super-guwapo pa.”
“Nag-post na si Ate Bea ng story sa IG na kita si Dom, hindi na s'ya kamay or paa lang or anino. Ahahaha! Sanaol may jowa!”
“Same sila ng shoes, hihihi.”
“Pure love… they really look good together. Ang sarap talagang tingnan kasi alam mong wala silang sinaktan at tinapakan... Napaka-calm and blooming lang ng looks ni Bea… I think Dom is the one for her.”
Comentários