top of page
Search
BULGAR

Bea, nag-deny na may bagong BF na… OGIE: 'WAG NANG MAGSINUNGALING, HAWAK KO ANG EBIDENSIYA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking June 23, 2024


Showbiz News
Photo: Ogie Diaz & Bea Alonzo / IG

Sa latest interview kay Bea Alonzo ng entertainment press ay sinabi niyang hindi raw siya in love ngayon and very much single siya.


Taliwas ito sa ibinalita ni Ogie Diaz na may bago nang boyfriend si Bea.


Matatandaang in one of Ogie’s recent vlogs ay ibinunyag niya na ayon sa kanyang source ay may bago nang pag-ibig ang aktres na isang half-Pinoy, half-foreigner.


Matapos ang pahayag ni Bea na single siya ay nag-post si Ogie sa kanyang Facebook (FB) Story ng statement.


“‘Wag nang magsinungaling, hawak ko ang ebidensiya. Wala namang masama, matutuwa pa nga kami, eh. Bakit kailangang ilihim?” ang pahayag ni Ogie.


We just don’t know kung may kinalaman ba sa pagde-deny ni Bea ang statement na ito ni Ogie at kung ang aktres ba ang kanyang tinutukoy.


 

Nagselos kay Jasmine, BF muntik sagasaan… PRAMIS NI RURU: BIANCA, NEVER KO NANG PAIIYAKIN ULI 


Showbiz News
Photo: Bianca Umali & Jasmine Curtis Smith / IG

Kahit matagal na ang ‘parking lot controversy’ na kinasangkutan noon ng magdyowang Ruru Madrid at Bianca Umali, of course ay hindi pa rin nila nakakalimutan ito dahil malaking parte ito ng kanilang relasyon.


Pero tinatawanan na lang daw nila ito ngayon.


Sa guesting ng RuCa (Ruru at Bianca) last Thursday sa Fast Talk with Boy Abunda ay napag-usapan ang mga pagsubok na dinaanan ng kanilang relasyon sa loob ng 6 na taon.


Ayon kay Bianca, “One heck of a ride” ang 6 years nilang relasyon at masaya sila na na-survive nila ang lahat ng mga challenges.


“Every year, meron kami talagang pagsubok na pagdaraanan,” ani Bianca.


“That’s the reality of every relationship, eh. Walang relasyon ang perpekto and we’re proud of all of the imperfections na we’ve gone through because alam namin ni Ruru ‘yung tinahak naming dalawa para maging ganito kami ka-strong ngayon,” pahayag pa ng aktres.


Isa nga sa mga pagsubok na naranasan nila ay noong unang taon ng kanilang relasyon.


“Unang taon namin, actually, hindi pa kami umaabot sa first anniversary namin. Nagkaroon na kami ng pagsubok agad,” sey ni Bianca.


“Maraming nakakaalam nitong pangyayari na ‘to. And it was very controversial at nangyari ‘yun, wala pa kaming isang taon,” sey pa ng aktres.


“Ito ‘yung…?” tanong ng host na si Boy Abunda.


“The controversial parking lot,” natatawang sabi ni Ruru.


Tinatawanan na lang ito ngayon pero marami raw silang natutunan sa pangyayaring ‘yun.


“Siguro, 'yung pinakamatinding natutunan ko rito is that nalaman ko kung ano talaga 'yung kahalagahan ni Bianca para sa ‘kin. I’m not saying na kinailangan pa niyang mangyari para lang makita ko ‘yung kahalagahan n’ya.


“Pero para s’yang blessing in disguise na para bang nu’ng nakita ko siyang nasaktan, nu’ng nakita ko s’yang umiiyak, parang part of me, nadurog, eh. Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko na hahayaan na umiyak pa itong babaeng ‘to kahit kailan,” pahayag ni Ruru.


“Ang sarap sa puso,” reaksiyon naman ni Bianca sa sinabi ng boyfriend.


Ang second year nila ay apektado pa rin ng nangyaring kontrobersiya at inamin naman ni Bianca na naging cold siya kay Ruru after that. Pero in the end ay pinili pa rin nila na mag-stay sa relasyon.


“Ako rin, sa totoo lang, kahit na I was in pain, hindi ko rin kaya na mahiwalay sa kanya. But that whole year after the first year, ‘yun ‘yung tinatrabaho namin na at the end of that year, na-realize namin na sa hirap at ginhawa, kung ano man ang mali, kung ano man ang masakit at masaya sa mga puso namin, pinili namin na mag-stay kasama ang isa’t isa at mahalin ang isa’t isa,” aniya.


Matatandaang naganap ang parking lot controversy in 2019 sa premiere night ng pelikula ni Ruru with Jasmine Curtis sa SM Megamall. Nang dahil sa selos ay pinaharurot ni Bianca ang kanyang sasakyan at muntik na niyang masagasaan ang boyfriend.




0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page