top of page
Search
  • BULGAR

BEA NADULAS, NAKAGAT ANG DILA, NAPUTOL

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 7, 2023



Shocking ang revelation ni Bea Alonzo na naputol ang kanyang dila noong bata pa siya.


As in literal na putol!


Sa vlog ni Mariel Rodriguez ay naglaro silang dalawa ng game na Two Truths and a Lie at dito naikuwento ni Bea ang unforgettable childhood experience niya.


Ayon kay Bea ay kinukuha niya ang kanyang alkansiya that time sa taas ng aparador.


Umakyat daw siya sa silya para makuha ito.


“Tapos, pagbaba ko ng chair, tumatakbo ako, nadulas ako sa basahan. Tapos, nakagat ko ‘yung dila ko. Tapos, pagtakbo ko sa nanay ko, nakita ko, ang daming dugo,” pagbabalik-tanaw ng aktres.


Ipinakita raw niya sa ina ang kanyang dila at nakita ngang nakalambitin na lang ang dulo nito.


“Nahimatay ‘yung nanay ko,” tsika pa niya.


Akala raw niya ay magkakaroon siya ng speech defect pero thank God daw at hindi naman.


Aliw din ang tsika niya na nagkaroon siya ng blind date na guy na na-turn-off siya nang makita niyang may tuyong laway ito sa bibig. Hindi na raw niya ipinagpatuloy pa ang

kanilang pagkikita kahit napakaguwapo nito.


Hindi na niya pinangalanan kung sino ito.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page