ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 31, 2024
Nakakatuwa ang comment ng mga netizens sa balitang si Kim Chiu ang Tanduay Calendar Girl for 2025.
Sabi ng isa, iinom na siya ng Tanduay dahil kay Kim. Sinundan ng comment na dahil kay Kim, maglalagay na siya ng Tanduay calendar sa kanyang cabinet. Kung dati, mga lalaki lang ang naglalagay ng calendar ng nasabing brand ng alak, ngayon, pati babae.
Pinakapanalo sa amin ang comment na inisa-isa ang mga naging Tanduay Calendar Girls, “2022 Bea Alonzo, (2024) Julia Barretto, (2025) Kim Chiu. Shareholder yata si Gerald Anderson sa Tanduay.”
Ex-girlfriends ni Gerald sina Bea at Kim at current GF naman nito si Julia.
Sinundan pa ng comment na “Gerald’s Calendar Girls” at “May taste si Gerald” na sinang-ayunan ng iba pang mga netizens.
Tila nananadya raw ang Tanduay sa ginawa nilang ito at nag-suggest sila ng iba pang pangalan na naugnay kay Gerald.
Hindi pa nailo-launch si Kim as Tanduay Calendar Girl 2025, pero maingay na ang bago
niyang endorsement. Pinagtatalunan na ang teaser na inilabas dahil may pabor at hindi pabor.
DEATH anniversary ng sikat na singer na si April Boy Regino sa November 29. He died on the said date noong 2020. Showing naman ang biopic niyang Idol: The April Boy Regino Story sa November 27 in cinemas nationwide.
Nalaman naming the movie was submitted by Water Plus Productions to the 2024 MMFF, hindi lang nakasali sa 10 official entries.
Naniniwala ang executive producer nitong si Marynette Gamboa na blessing in disguise ito dahil mas mapapaaga ang showing ng pelikula.
Ito rin ang paniniwala ng singer-actor na si John Arcenas, gumaganap na April Boy sa pelikula. Baka may rason daw kung bakit hindi sila nakapasok sa MMFF.
“Nalungkot kami... nalungkot ako. Siyempre, MMFF ‘yun, pero may rason ‘yun. Okey naman ang playdate namin, ipinapasa-Diyos na lang namin,” sey ni John.
Singer in real life si John. Siya ang kumanta ng mga songs ni April Boy sa movie. Pero kahit singer-actor siya, nag-audition pa rin ito. In the end, siya ang napili ni Director Efren Reyes, Jr.. Kahit singer, nag-voice lesson pa rin si John at pinanood ang movies at
TV guesting ni April Boy para makita kung paano siya umarte.
Most challenging role for John ay ‘yung mga eksenang nagkasakit si April Boy at noong nagalit ito sa Diyos dahil sa tatlong sakit na dinanas. Nagkaroon siya ng chronic kidney disease, heart problem at nabulag dahil sa diabetes. Bago pumanaw, luminaw nang slight ang paningin ni April Boy kaya nakapag-perform pa siya.
Para mas malaman pa ang naging buhay ng singer ng hit songs gaya ng 'Di Ko Kayang Tanggapin at Umiiyak Ang Puso Ko, watch the movie sa November 27.
Pakakainin daw ng chicken at steak lumaban lang… CARLA, NAGLIGTAS NG ASONG NASAGASAAN SA NLEX
MAY update si Carla Abellana sa aspin na si “Puppy” na kanyang ini-rescue matapos makitang nasagasaan sa NLEX habang pauwi siya mula sa taping ng Widows’ War (WW).
Hinanap ni Carla, ng PA (personal assistant) niya at kanyang driver ang umiiyak na aso, isinakay sa van niya at dinala sa vet hospital.
Habang nasa sasakyan, dinasalan ni Carla ang aspin na payat daw at kinausap. Ang cute ng promise nito sa aspin na lumaban lang at kakain siya ng maraming chicken, rice at pati steak kasama sila.
Tinawag pa niyang brave ang aspin dahil nakayang hilahin ang sarili off the road.
Laking-tuwa ni Carla dahil walang broken bones, no internal damage ang alinmang organs nito. Masaya rin ang mga fans ni Carla, na gaya niya ay dog lovers din, sa update niya sa bago niyang adopted dog.
“Updates for Puppy. Quiet but responsive, mostly asleep, still dehydrated, UB intact, no internal bleeding, pale gums, no pee, poop, or vomit noted, Thank you.
“Parvo, Corona, Distemper virus negative.”
Ang daming nagpasalamat kay Carla for saving Puppy na ‘yun muna ang kanyang itinawag sa aspin dahil wala pa siyang maisip na ipapangalan dito. May mga naiyak sa awa sa aso at sa pagiging mabuti ng puso ng aktres sa mga hayop. May nag-suggest pa kung ano ang magandang ipangalan sa aso.
May pakiusap din si Carla sa mga drivers na sana, sa susunod ay mag-ingat para maiwasang may nasasagasaang aso o pusa.
Mensahe niya, “Everyone, please, please brake for animals on the road. I am begging you. And if you could save a life, please do.”
Comments