ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Nov. 25, 2024
Sa panahon ngayon, hindi lang notebook at ballpen ang kailangan nating dalhin mga Ka-Iskulmates, kailangan na rin nating magdala ng cyber armor. Curious pa rin ba kayo kung bakit? Dahil ang internet ay parang isang malaking unibersidad na may mga iba’t ibang klasrum, library at siyempre may bully at magnanakaw din!
Kaya bago ka pa maging target ng hacker, scammer, o kung sinuman na gustong guluhin ang iyong online life, dapat alam mo kung paano protektahan ang iyong sarili. Halina't alamin natin!
1. ‘WAG GUMAWA NG MADALING PASSWORD. Kung ang iyong password ay parang sagot sa tanong ng recitation na pinilit mo lang sagutin, oras na para magbago. Gawin itong mala-code sa Math, ‘yun bang mahirap intindihin! Gumamit ng kombinasyon ng malalaki at maliliit na letter, numbers, at symbols.
Halimbawa: L0v3MyC4t@2024 (Hindi man totoo, pero ang hirap hulaan, 'di ba?).
2. THINK BEFORE YOU CLICK. Bago mag-click ng kung anu-ano'ng link, magtanong muna, "Legit ba 'to o scam?"
Ang mga hacker ay parang mga prof na nagpapasa ng trick questions—akala mo simple lang, pero may hidden agenda. Kung ang link ay parang nagkakamali sa spelling o mukhang sketchy, huwag nang buksan.
3. MAG-INGAT SA LIBRENG WI-FI. Sino ba ang hindi natutuwa sa libreng Wi-Fi? Pero tandaan, kung libre, baka may kapalit! Huwag gamitin ang libreng Wi-Fi sa pagpapadala ng importanteng impormasyon tulad ng password o bank details. Kung hindi maiiwasan, gumamit ng VPN. Para kang naglagay ng invisibility cloak sa iyong data.
6. MAGKAROON NG BACKUP PLAN. Laging mag-save ng importanteng files sa isang secure na cloud storage o external drive. Ang buhay estudyante ay puno ng deadlines, kaya hindi mo gugustuhing mawala ang iyong thesis dahil lang sa ransomware attack. Tandaan, Ctrl+S is your best friend!
7. ‘WAG MAGTIWALA SA STRANGER MESSAGES. Kung may nag-chat na “Hello, you won $1,000,000!”, malamang scam 'yan (sorry na lang). Ang tanging "jackpot" na matatanggap mo rito ay stress. I-report ang mga ganitong messages at huwag nang patulan.
8. GUMAMIT NG STRONG PRIVACY SETTINGS. I-double-check ang iyong mga privacy settings sa social media at apps. Piliin ang “friends only” sa mga post at huwag basta-basta magpa-follow back sa hindi kilala. Ang pag-protect sa iyong digital life ay parang pag-protect sa diary mo—personal ito at hindi para sa lahat.
9. GAWING SACRED ANG SCHOOL EMAIL. Huwag gamitin ang iyong school email para mag-sign up sa mga random websites. I-reserve ito para sa mga academic-related na gawain. Kung sakaling ma-hack ang ibang accounts mo, at least ligtas ang iyong school email.
10. EDUCATE YOURSELF. Hindi mo kailangang maging IT expert, pero dapat alam mo ang basic cybersecurity tips.
Parang pag-aaral ng bagong subject lang—kapag na-master mo ang basics, magiging safe ka online. May libreng resources sa YouTube at mga websites tulad ng CyberSafe.ph.
Remember Iskulmate, sa mundo ng internet, hindi lang grades ang kailangan mong i-maintain—pati ang iyong cybersecurity. Isipin mo na lang na bawat click ay parang pagkuha ng exam, kailangang sigurado at hindi bara-bara. Ang mga hacker at scammer ay laging naghahanap ng "shortcut," kaya ikaw, huwag magpahuli!
Ang pagiging ligtas online ay parang pagiging handa sa klase—may diskarte, may tanong, at laging handa sa anumang mangyayari.
Lagi ring tandaan na sa internet, ang tunay na matalino ay hindi lang magaling mag-search, kundi magaling ding umiwas sa kapahamakan.
Keep slaying, safe surfing, and happy studying, Iskulmate!
Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.
So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.
Comments