ni Jasmin Joy Evangelista | October 5, 2021
Pormal nang inanunsiyo ni dating Sen. Bongbong Marcos na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022 elections ngayong Martes.
Inihayag ito ni Marcos kasabay ng inagurasyon ng kanyang campaign headquarters sa EDSA, Mandaluyong City.
Sa ngayon, wala pang binabanggit si Marcos kung sino ang kanyang magiging ka-tandem at kung kalian ito magpa-file ng COC.
Nanumpa rin si Marcos sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas sa harap ng general campaign manager na si Vic Rodriguez.
Si Rodriguez ang siya ring tumatayong kanyang election lawyer chairman ng nasabing partido.
Comments