top of page
Search
BULGAR

BBM at Sara, umamin.. K-12, palpak

ni Madel Moratillo | January 31, 2023




Aminado sina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Vice President/Education Secretary Sara Duterte na bigo ang Kto12 Program na matupad ang layunin ng pagbuo rito.


“We have failed them. We have to admit that we have failed our children. And let us not keep failing them anymore. Otherwise, we will not allow them to become the great Filipinos that we know they can be,” pahayag ni Marcos.


Ayon naman kay Duterte, sa pamamagitan ng K-12, target sana ng pamahalaan na pagka-graduate ng estudyante ay ready na ito for employment. Pero sa kanyang Basic Education Report 2023, sinabi ni VP Sara na batay sa ginawa nilang assessment,

mababa ang bilang ng mga nagtapos dito na nakahanap ng trabaho.


Katunayan, sa pag-aaral aniya ng Bureau of Curriculum Development sa mga nagtapos ng Senior High School, 83% ang kumuha pa ng higher education para may siguradong trabaho.


Habang 10% lang ng nagtapos ng senior high ang nakapasok ng trabaho.


Nakita rin aniya nilang bigo ang mga guro na matugunan ang 21st-century skills. Pero hindi naman daw ito kasalanan ng mga guro dahil ang naging problema ay sa sistema.


Dahil dito, rerebisahin aniya nila ang curriculum ng Kto12 Program at babawasan ang ilang subject.


“We will reduce the number of learning areas in K to 3 from 7 to 5 to focus on foundational skills in literacy and numeracy in the early grades, particularly among

disadvantaged students. We will strengthen our literacy and numeracy programs,” pahayag ni Duterte.


Palalakasin din aniya nila ang Reading, Science and Technology, at Math programs. Tiniyak din nito ang suporta para mapataas ang kanilang kapasidad at kakayahan ng mga guro.


Kabilang aniya rito ang pagbibigay ng graduate degree scholarship programs at certificate programs para sa mga guro.


Tiniyak din niya na aayusin nila ang pamamahagi ng workload ng mga guro at bayad kapag overloaded na ang mga ito ng trabaho.


Kasama rin sa plano ng DepEd ang pag-extend sa Special Hardship Allowances para sa mga guro, pagbibigay ng libreng annual physical examination at libreng legal assistance.


Samantala, naglaan na aniya ang DepEd ng P15.6 bilyong pondo para sa pagpapatayo ng mga bagong klasrum. Para masolusyunan ang mga isyu na ito, isinulong ng DepEd ang “MATATAG” education agenda.


Tiniyak din ni VP Sara na magkakaroon ng kuryente ang lahat ng paaralan sa bansa lalo ang nasa mga malayong lugar pagtatayo ng library hubs sa division offices ng DepEd.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page