top of page
Search
BULGAR

BB Gandanghari, ibinulgar ang nangyari kina Rustom at Piolo

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 2, 2020




Kontrobersiyal ang panibagong vlog ni BB Gandanghari sa kanyang BB Uncut sa YouTube nitong Agosto 30 titled I Left My Heart in San Francisco: Who is David and Jonathan?


Habang inaayos ni BB ang kanyang gamit ay mayroon siyang pine-play na video kung saan mababasa ang: “IT MAY BE SCANDALOUS… THIS CAN BE CONTROVERSIAL… IT’S NOT ABOUT THE LIFE STORY…IT’S ABOUT THE LESSONS LEARNED."

Ipinakita ni BB ang ilang clips sa Pinoy Big Brother kung saan sey ni Rustom Padilla, “Tapos meron akong ibang pakiramdam na hindi ko maintindihan kung ano kaya ako umalis, pumuntang Amerika, para hanapin ‘yung sarili ko na sa Amerika ko nakita ‘yung… kasi dito ‘di ba, ‘yung parang… kapag gay ka, kailangang magdamit-babae, kailangan, naka-makeup ka, kailangan, malambot ka kumilos. Eh, hindi ako ganu’n, eh.

“I had no choice kasi na-realize ko na I’m gay.”

Dagdag pa ni BB, “Bakit gusto ko ru’n magsimula? Because a great part of this story, no, a great part of what he was saying at that time, ‘yung mga narinig ninyo, eksaktong words na lumabas sa bibig ni Rustom was greatly influenced by this experience. Ito ang ilalahad ko ngayon. ‘Yun ang pinanggagalingan ni Rustom nu’ng siya’y nagtapat sa Pinoy Big Brother nu’ng 2006.”

Kuwento pa ni BB, “It was in December of 2000 that he decided to meet another woman, ‘yung makipagkilala ulit at sa katunayan, isa ‘yun sa mga plano niya nu’ng pupunta siya sa Amerika nu’ng 2001, sa San Francisco. Primarily to do a show and to be set-up… hindi naman set-up kasi they’ve been properly introduced. And hopefully, kasi nagsusulatan na sila, nagpadalahan na ng pictures, parang may mutual attraction naman. Magkikita na lang and see where it will go.

"Rustom, the man side, it was becoming lonely at that time kasi it was being 5 years single, ‘yung out of relationship, ‘di naman siya nagre-relationship after, he was just concentrating on himself. So nasa marrying moment si Rustom at that time, just ready to be in a relationship again.”

Aniya, nu’ng nagpunta siya sa San Francisco ay may inayos silang show at nakilala niya ang mga cast nito.

Kuwento ni BB, “So he went to San Francisco, they met, nakilala niya ang cast at nag-rehearsal.

“Si Rustom at si Piolo, sa panahon na ito, ang gumaganap na Peter at John. So, isang segment nu’ng programa ay they would be blocked na matutulog sila on each other’s back and then, ayun, simple blocking.

“Up until that rehearsal moment, when they actually sat down and lay flat on each other’s back, there was awkwardness. I must say. I witnessed it, kung paninindigan ko ‘yung pagiging 3rd person all throughout this, yes, I witnessed it. There was awkwardness.

“But let me just make it clear. Si Rustom at that time was clueless whatever is ‘yung friendship. Clueless. Hindi niya kilala si Piolo at this time.

“Hindi rin niya alam, ako, ngayon ko lang din napapanood na ‘Okay, naging close pala silang dalawa nu’ng 1999. Hindi ko alam ‘yun. Ngayon ko lang nalalaman.

“So, wala akong alam. Clueless ako, clueless si Rustom as far as Piolo is concerned. So, as I’ve said, ‘yung awkwardness, as far as I am concerned or Rustom’s concerned, hindi niya alam kung saan nanggagaling. And I only said this kasi may nag-comment na… maipasok ko lang… na ‘Oh, baka kaya sila awkward kasi there was a time na Carmina and Piolo was close in 1999,’ eh, hindi ko naman alam ‘yun, hindi ko talaga alam ‘yun.”

Kuwento pa ni BB, na-relax daw si Rustom nang mag-“lay on each other’s back” sila ni Piolo. Pareho ring nakatulog sina Rustom at Piolo nu'ng time na 'yun at naging magkaibigan daw sila kaagad sa show kaya nawala ang awkwardness.

Sey ni BB, “Nu’ng nagising sila… they became friends right away. Parang pagdilat ng mata, they discovered… magkaibigan na sila. Gone is the awkwardness. Now, they’re close, ‘yung parang nag-uusap na sila, nagkukuwentuhan na sila, they’re… kasi ru’n naman sa play, talagang magkasama sila the whole time, hindi sila naghihiwalay.

“Meron ngang isang eksena, ‘yung Despair of Judas, ay Mourns of Peter, ‘yun lang ‘yung isang eksena ko na hindi ko kasama ang mga apostol. So, lagi silang magkasama. So, naging magkaibigan sila through the rehearsals.”

Pagbabalik-tanaw pa ni BB, “It was fun. Nandu’n naman lahat sa… sama-sama naman kaming lahat sa dressing room. Nandu’n si Alice Dixson, nandu’n si Rosanna sa loob, nandu’n si Juday, everything. So, ano na, ‘yung parang it was… siguro nga ang pinaka-description lang du’n is ‘yung awkwardness is gone. The ice is broken.”

Sa breaktime raw ng show, habang nagpapahinga sila sa dressing room ay nagkayayaang lumabas after.

Aniya pa, “Everyone agreed… nandu’n si Jeffrey Santos, everyone. It was a show. So, nagkayayaan, everyone agreed. In other words, natapos ang show nang maaliwalas and then, all going back to the hotel.

“Going back to the hotel, ang magkakasama sa limousine is si Juday, si I think, Alfie Lorenzo, tapos si Jeffrey Santos, si Piolo, si Rustom at saka isa pang… one other or 2 others. Isang buong grupo. Ibabalik na sila sa hotel.

“Pagdating sa hotel, nag-usap na. Usapan, alas-otso. ‘Magkita-kita tayo rito sa baba ulit.’ Hindi alas-otso natapos… siguro, mga 11 (PM), kasi clubbing na ‘yun, eh. So, 11, bababa, magkikita-kita na lang and then, go.

“Oh, di ganu’n nga, nag-akyatan lahat sa kuwarto, nagbihis ng pang-clubbing, bumaba. Sinundo kami pero kami na lang nila ano… parang… si Jeffrey, si Rustom at si Piolo. Tapos, hindi ko na alam kung sino ‘yung mga sumundo. But again, we are one big group, 12, ‘yung parang ganyan.

“So, they went and nag-clubbing and honestly, ito, eh, walang halong… nu’ng pinag-iisipan ko ‘to kanina, sabi ko, ‘Isa lang ang puwede kong ikuwento, o isa lang ang gusto kong palabasin ‘pag natapos ang kuwentong ito.’ Kasi alam ko na marami ang nanghuhusga.”

Kambiyo ni BB, “Alam n’yo naman na kung sino si David at kung sino si Jonathan... Hayaan natin itong tawagin na David and Jonathan para maiwasan ‘yung mga salitang nakakasakit. Mga salitang mapanghusga, so huwag muna, makinig muna kayo.”

Dugtong niya, “In that moment na ipinakilala ni Jonathan si David sa pamilya niya, isang mabait na Jonathan ang nakita ni David. Before anything, kaibigan, kaibigan ang nakita ni David. Masayang kasama, mukhang fearless and basically the whole night, they’re just on the same page.

“Even before they went to the club, nagkakaka-vibe-an. Vibe in the sense na 'Drinking buddy kita ngayon.' Si Rustom, magaling makisama. At ‘yun din ang masasabi ko, si Jonathan, magaling ding makisama. So may instant… may click in other words. It clicked, parang isang barkada na nag-gel. Nag-gel si Rustom sa grupo.”

Sey din ni BB, nang nagpunta sila sa club sa San Francisco, “This maybe one of the funniest na naging hangout ni Rustom, ever. It was clean, it was just really fun. And they were just buddy buddies. Nag-umpisa naman sa buddy-buddies, enjoying each other’s company.”

Aniya pa, “This David and Jonathan, yes, nag-bonding. Parang nakahanap ng… it was really fun, it was a good night… so itong sina David at Jonathan, nag-dare. Pumunta ng bar. Um-order ng… ‘tong si Jonathan ng… 3 shot ng Bacardi 151. Actually tig-tatlo, so anim in other words. Siyempre, gimmick, not for anything but it was just really a perfect night.

“So, they dare it, they drank it and they just dance the whole night with the whole group. But looking back, looking at them, they were just together in the dance floor. You know what I mean, ‘yung parang yes, they were… napapaikutan sila ng grupo nila, everything… but they were just really dancing together the whole night.

“So, masaya si Rustom nu’n, sobra. Masaya ‘yung gabi, masaya ‘yung samahan.

“Si Rustom had so much fun kaya ayokong maging defensive sa ikinukuwento, kasi Rustom, after a long time, was genuinely happy that night. Rustom, after a long time, genuinely felt cared for… hindi lang naman dahil kay Piolo, pero lahat ng kasama niya at that time was really very… for some reason, that made the night more memorable.”

Nang pauwi na raw ay nagkayayaan silang pumunta sa bahay ng isang kasamahan nila.

Aniya, “So, nagpunta sila ru’n sa bahay and then they drank more, kuwentuhan, kuwentuhan, more bonding at niyaya ni David si Jonathan na lumabas para maglakad.

“Lumabas, naglakad silang dalawa, nag-usap, nagkikilanlan and, again, kung ang pagbabatayan, eh, kung ano ang nararamdaman ni Rustom noon, nababaitan siya kay Jonathan. Nakita niya ang sarili niya kay Jonathan when he was 23, when he was starting.

“Pero nakita rin niya kay Jonathan ‘yung fearlessness, may fearlessness siyang nakita na, actually, amazed. Amazed may not be the right word for that pero, honestly, parang ang feeling ni Rustom, ‘I wish I have that fearlessness.’

“In a matter of one day, lumalalim ‘yung connection, nagba-bonding nang sobra thru pakikipag-usap. ‘Yung nagkukuwentuhan lang.”

Pagpapatuloy ni BB, “By the time na pumasok sila ng bahay, pretty much si Rustom, of course, nakainom na siya. Pero charmed, to say the very least, I think he found the guy, parang, genuine.

“So, kuwentuhan, kuwentuhan… Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pumasok sa restroom, weewee.

“Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then they kissed.

“It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, eh. Because, it ended there when they realized may mga tao sa baba, they stopped, and then bumaba na si Rustom.

"So, habang lumalalim ang gabi, palalim din nang palalim ang kumunoy na pinapasok ni Rustom dahil kinabukasan, meron siyang kikitaing babae, remember?”

Sa pagbalik daw nila sa hotel, nagkatabi sila sa likod ng kotse at nagkaroon ng pagkakataon si Jonathan na magtanong kung ano ang gagawin ni David ng mga 10:00 AM.

Nag-propose raw si Jonathan na magkita sila ni David ng 11 AM bago siya pumunta sa isang lunch.

Sey ni BB, “Ito ‘yun, eh, kaya masyadong mabigat ‘yung topic. This is not just about ‘yung nangyayari kay Rustom on his… but it is also in the middle of… magme-memorial siya nito, ah. Kaya by this time, I think after they kissed at nu’ng pauwi na sila sa hotel, malaki na ang iginugulo ng isip ni Rustom.

“Malalim ang baon na faith ni Rustom sa Kanya, so, at this time, medyo akala niya, doon na matatapos. The night is over, but then, the fact remains, sumasaya ‘yung puso, kaya ru’n na siya nalilito. Kung pagbabatayan ang puso, it feels so right. That early, ‘yun ang pinagdaraanan ni Rustom, may guilt na kaagad.”

Patuloy ni BB, “Rustom said, ‘Yes, sige, maligo lang tayo, tapos magkita uli tayo sa lobby, ikut-ikot lang.’”

Kasama raw ni Rustom sa hotel room ang kanyang manager at tinanong daw nito ang aktor kung saan siya galing. Sinabi raw ni Rustom na nag-ikut-ikot lang siya.

Nu'ng nag-aayos na raw siya kinabukasan, tinanong ulit siya ng manager kung saan pupunta at du’n daw nito nagawang magsinungaling dahil sinabi niyang pupunta siya sa isang amusement park.

Kuwento pa ni BB, “Nagkita sa park, they started strolling and talking and getting to know each other. But this time, parang nagiging maliwanag 'yung, ‘Uy, I like you, you like me.’ You know what I mean? Parang nagiging maliwanag ‘yun.”

“Kay Rustom, at this moment, this was… hindi sa nagmamalinis, pero ito talaga ‘yung unang pagkakataon na naramdaman ni Rustom na merong may gusto sa kanya na same sex. Dito niya naramdaman ‘yung kilig towards same sex. Na parang the feeling is so similar.”

Nang bumalik daw si Rustom sa hotel ay tinanong siya ng manager niya kung kasama niya si "Piolo".

Sey ni BB “Sabi ko, ‘Hindi, nagkita lang kami sa ibaba, pero hindi siya sumama.’”

Kuwento ni BB, “True enough, mga 2 PM, nagri-ring ang hotel phone. Sinagot ni Rustom, 'Hello,' si Jonathan on the other end.

“Sabi niya [Jonathan], ‘Puwede ba akong umakyat?’

“Sabi ni Rustom, ‘Sige, halika na. Okey naman.’

“Sabi niya [Jonathan], ‘May kasama ka ba diyan?’

“Sabi niya [David], ‘Halika, akyat ka dito.’

“So, umakyat si Jonathan. Pagdating ni Jonathan, meron siyang bottle of wine at tatlong pirasong saging. Talagang may saging.

“Sabi lang niya [Jonathan], ‘Ah, iniuwi ko lang ito kasi baka hindi ka pa kumakain.’ Eh, totoo naman, hindi pa talaga kumakain. Diretso, ngarag!"

Kuwento pa ni BB sa male bonding nila, “Surprisingly, nagkaroon sila ng private moment. Hindi talaga sinasadya ‘yun. All of a sudden, they found themselves in their own privacy.

“While nag-iinuman sila at nag-uusap, parang biglang… Alam n’yo naman ang dalawang tao na nag-e-enjoy sa isa’t isa, ‘di ba?

“Then, all of a sudden, they realized na, 'Wow, we are suddenly alone.' Wala pa kasi akong pagkakataon na maging alone, honestly, that’s the truth.

“And then they looked at each other... I think David saw love in Jonathan’s eyes. If not attraction, but he saw something in Jonathan. And then they kissed again and again and again. They embraced, they kissed, but basically that. No touching, nothing, just really embracing and kissing.

“That was enough for Rustom, and then they slept, embracing each other. And then, five o’clock na. Rustom stood up, he took a bath, nag-prepare para sa pupuntahan niya. And then, around 5:30 PM, nag-usap sila. And then, nagpaalam nang mahusay si Jonathan. Pero nagtanong si Jonathan ng, ‘Ano'ng oras ang balik mo?’

“This time, hindi talaga alam ni Rustom ang (oras ng) balik niya. Makikilala na niya ‘yung babae. Ang sagot lang talaga ni Rustom, ‘Hindi ko alam’ kasi ang schedule ni Rustom was memorial, and then magdi-dinner with du’n sa ipapakilala sa kanya.

“So, sabi ni Jonathan, ‘Oh, perfect, can I call you later?’ Sabi ko, 'Sige, tumawag ka lang dito sa hotel. Mag-iwan ka lang ng message.’ Kasi wala namang ibang communication other than that.

“They embraced one more time. Parang all of a sudden, may relationship. They embraced, they kissed quickly, and then naghiwalay. Pero alam mong deep in their head, magkikita sila uli. ‘I’ll see you later,’ ‘yun ang dating. Walang dramatic…

“Ang point is, we’ll just see each other later. Pero kay Rustom, nag-uumpisa pa lamang ang turmoil.

“So, paglabas ni Jonathan ng kuwarto, nu’ng naiwan si Rustom sa hotel, habang naghihintay ng sundo, hindi na niya alam kung ano na ang nangyayari. Grabe na ‘yung kunsensiya.”

Hanggang doon lang natapos ang kuwento ni BB tungkol kina Jonathan at David at aniya ay itutuloy niya sa susunod niyang vlog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page