ni Lolet Abania | October 25, 2022
Isinailalim na ang mga bayan ng San Miguel at Oton sa Iloilo sa state of calamity dahil sa maraming kaso ng alagang baboy ang tinamaan ng African swine fever (ASF).
Ayon kay Governor Arthur Defensor Jr., hindi na nakapaglalabas at nakapagpapasok pa ng mga pork products sa mga naturang bayan.
“We are just implementing effective implementation ng lockdown, monitoring and surveillance and test and destroy,” pahayag ni Defensor.
Anang opisyal, nagbigay naman ang lokal na gobyerno ng Iloilo ng ayuda para sa mga apektadong hog raisers.
“We have the DSWD (Department of Social Welfare and Development) helping us through the pondo nila na assistance to individuals in crisis situation which is P10,000, dinadagdagan namin sa probinsya ng another P10,000 per family,” saad ni Defensor.
“And we continue to collect, nag-iipon tayo ng maitutulong natin sa ating mga farmers.
And marami din tayong private sector partners na nag-signify ng tulong,” sabi pa ng gobernador.
Ayon naman kay San Miguel Mayor Marina Gorriceta, “We cannot do anything else more but to declare [a state of calamity] because it doesn’t seem to be stoppable [at this point].”
Comments