top of page
Search
BULGAR

Bayabas, pampaganda ng kutis at pampalakas ng immune system

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | August 19, 2020




Ang guava o bayabas.


Kapag napag-uusapan ang lutuin, sinigang ang isa sa paborito ng mga Pinoy. Maraming klase ng sinigang, pero ang sinigang sa bayabas ang da best.


Nakatikim ka na ba ng sinigang sa bayabas, kakaiba, ‘di ba? Dahil bukod sa maasim, ito ay may kakaibang sarap na lasa.


Lahat ng sinigang ay maasim o may asim kaya ang numero-unong gamit na sangkap ng sinigang ay maasim. Kapag walang asim, ito ay hindi sinigang kundi simpleng pinakuluan o nilaga.


Sa bayabas, tulad ng nasabi na, may kakaibang lasa bukod sa may asim na, may kaunting tamis pa dahil ang ginagamit na pansigang ay hinog na guava.


Dahil hinog na guava ang pansigang, ito rin ay nagbibigay ng kakaibang texture sa sabaw kung saan ang sabaw ay makikitang hindi plain water kundi may laman mula sa hinimay na hinog na bayabas.


Pero ang higit na benipisyo ng bayabas mula sa sinigang ay ang kanyang nutritional benefits.


Ang isang pangkaraniwang laki ng bayabas ay nagtataglay ng mga sumusunod:

  • Protein

  • Lipid (fat)

  • Carbohydrate

  • Fiber

  • Sugar

  • Calcium

  • Iron

  • Magnesium

  • Phosphorus

  • Potassium

  • Sodium.

  • Zinc

  • Vitamins A, B6, B12, C, D, E at K

  • Thiamin

  • Riboflavin

  • Niacin

  • Folate

  • Saturated, monounsaturated at polyunsaturated fatty acids

Narito naman ang iba pang kayang gawin ng bayabas:

  • Ang maganda pa sa guava ay nakokontrol nito ang blood sugar level.

  • Nagpapalakas ng puso kaya good for the heart.

  • Maganda rin ang bayabas sa kababaihang may menstrual cramps.

  • Malaki ang tulong nito sa digestive system dahil kinokontrol ng bayabas ang masasamang bakterya sa tiyan.

  • Bumaba ang timbang ng matataba sa pagkain ng bayabas.

  • Nagpapaganda ng kutis, lalo na sa mga may taghiyawat.

  • Ito ay isa sa mga prutas na nagpapalakas ng immune system.

Next time na magsisigang ka, saan ka pa? Eh, ‘di sa sinigang na bayabas na!

Good luck!

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page