top of page
Search
BULGAR

Bawian sa game 3 ang bakbakan sa PBA Semis

ni ATD - @Sports | November 22, 2020




Umiinit ang semifinals duel sa Philippine Cup habang humuhupa na ang nakamamatay na coronavirus (COVID-19) sa loob ng PBA bubble.


Halos hindi na sumasagi sa isipan ng mga tao sa bubble ang COVID-19 lalo na ngayong tabla na sa serye ang dalawang pares na teams na naglalaro sa semifinals.


Parehong 1-1 ang serye sa best-of-five match, nakabangon ang Phoenix FuelMasters at Meralco Bolts matapos kalusin sa Game 2 ang TNT Tropang Giga, 110-103 at Barangay Ginebra Gin Kings, 95-77.


Muling silang maghaharap ngayong araw sa Game 3, magtatapat ang FuelMasters at Tropang Giga sa alas-3:45 ng hapon habang alas-6:45 ng gabi ang bakbakan ng Bolts at Gin Kings.


Para sa Phoenix, sasandalan nila ang momentum upang makuha ang pangalawang panalo at lumapit sa pagsampa sa championship round. Malaking bagay ang panalo ng FuelMasters ayon kay head coach Topex Robinson. "This is a big win for us, to get our bearings back," hayag ni Robinson. "Hopefully, we could prolong the series."


Inaasahang huhugot ng lakas si Robinson kina Calvin Abueva, Jason Perkins at Justin Chua para masikwat ang panalo.


Nagtala si Abueva ng 20 points at 15 rebounds kaya tiyak na gagawa ng paraan ang Tropang Giga na mapigilan ang binansagang "The Beast". "We just have to give our very best. No guarantee of winning, but as long as we know in our heart of hearts that we gave our best then that's it," ani Robinson.


Samantala, tuwing mayroong timeout sa Game 2 nakikita sa TV na halos lahat ng players na nasa bench ay nakasuot ng facemask, patunay lamang na sumusunod ang mga ito sa health protocols na ipinatutupad ng liga upang hindi basta makapitan ng coronavirus.


Mas magiging ligtas sa COVID-19 ang mga players, coaching staffs at officials pagkatapos ng semis dahil pauuwiin na ang teams na naligwak.


Bagama't humupa na sa loob ng bubble ang COVID-19 ay kailangan pa rin mag-ingat para hindi na maulit ang nangyari noong nakaraan na may nagpositibo sa coronavirus.

0 comments

Komen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page