ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 7, 2025
Photo: David Licauco, Jak Roberto at Barbie Forteza - Instagram
Sa true lang, parang si David Licauco pa ang mas nakinabang sa breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Simula nang kumpirmahin ni Barbie ang breakup nila ni Jak, bawat post ni David sa social media ay viral agad at tila inaabangan talaga ng mga fans ang mga posts niya.
Una ngang nag-viral ang post niyang larawan sa Facebook (FB) after JakBie’s breakup na may caption na: “Chill lang.”
Viral din ang ipinost niyang larawan na naka-basketball attire siya at may hawak na bola.
Ngayon ay pinagpipiyestahan naman ng mga fans niya ang bago niyang ipinost na picture kahapon kung saan ay topless siya at nakalublob sa falls.
Ang caption pa niya ay: “Wer (where) na u (you), dito na me.”
Umani nang katakut-takot na likes and comments ang post na ito ng aktor at pinuri-puri ng mga fans ang kanyang yumminess at pagka-hot.
Samantala, si Jak naman ay wala pa ring opisyal na pahayag sa breakup nila ni Barbie.
Wala pa rin siyang bagong post simula nang pumutok ang hiwalayan nila na naiintindihan naman namin dahil hindi naman madali ang pinagdaraanan niya ngayon.
‘Yun nga lang, patuloy siyang natatabunan ni David Licauco dahil sa pananahimik niya.
MAY dalawang birthday wishes si Megastar Sharon Cuneta sa pagdiriwang ng kanyang ika-59 kaarawan kahapon, January 6. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram (IG) followers ang mga kahilingang ito.
Una, wish niya na ma-adopt ang lahat ng mga homeless doggies, at pangalawa ay mag-travel alone, pero aniya ay mukhang malabo niya itong magawa sa ngayon.
“I wish I could be somewhere out of the country to just hear my thoughts and pray and rest - physically, mentally, emotionally.
“But I have a very important wedding to attend on the 8th where I will be Ninang again (to a beloved goddaughter at her Christening), and Kakie and Mielly are home and traveling is the last thing on their minds,” sey niya.
“Always my dilemma: Needing to be alone while also needing my family with me! Ano ba ‘yan!” sey pa niya.
Sa huli ay sinabi naman ni Shawie na grateful and thankful siya sa mga blessings na ibinigay sa kanya ni Lord all these years.
“But truly, I am just THANKFUL. I realize I have been so blessed that I still do not understand why… but I don’t question!
“May our Heavenly Father bless all of us with LOVE, Peace, Good health and prosperity this year and always. Thank you from the bottom of my heart to all of you who have supported and loved me all these years - through all the ups and downs of my life and career! I am grateful for and to you, and I love you very much.
“Here’s to a fantastic and wonderful 2025!!!” pagtatapos ni Sharon.
Samantala, binati naman ni KC Concepcion ang kanyang ina via IG post, proof na talagang okey na okey na ulit sila.
“Happy birthday to the woman who was always my sunshine growing up! My first best friend, my first Valentine, my secret Santa, my first idol, my one and only! We’ve been through a lot together, but like a sunflower, you always manage to turn towards the light… And now, you show me how to do the same. I love you, my beautiful Mama. Happy birthday!!!” ang sweet birthday greetings ni KC Concepcion sa kanyang Mama Sharon.
Comments