top of page
Search

Bawat kontrata sa gobyerno, ‘tubong lugaw’, mga kontraktor tiba-tiba

BULGAR

ni Ka Ambo @Bistado | Jan. 22, 2025



Bistado ni Ka Ambo

Nagpapalitan pa rin ng patutsadahan ang Malacañang at kampo ni VP Sara.

Pero, tila hindi na kailangan pang kumilos ang kampo ni Inday bagkus ay panoorin na lamang ang diskarte ng mga ayudante ni PBBM.


----$$$--


KAPAG hindi naging maingat ang Malacañang, ang mismong negatibong diskarte sa kanilang paligid ang wawasak sa kanila.


Nakatuon ang tsismis ngayon sa kaliwa’t kanang maniobra ng mga kontraktor.


----$$$--


Bagaman hindi naman bago na maghanap ng padrino ang mga kontraktor, pero dapat ay maingat nila itong ginagawa.


Alam naman ng lahat, ang bawat kontrata sa gobyerno ay “tubong lugaw” — nagkakamal ng salapi ang mga gumagalaw sa “likod ng kontrata”.


----$$$--


MARAMI nang naaresto dahil sa pagpapanggap na konektado sa First Family, ang problema, ayaw magsitigil.


Pinakasikat ngayon ang tinataguriang “riding-in-tandem”.

Magkapakner sa diskarte. He-he-he!


-----$$$--


TEKA, pinagpipiyestahan ngayon ng mga “marites” ang pagkakasibak kay Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Iba’t iba ang espekulasyon at tsismis sa dahilan ng kanyang “pagbagsak”.


---$$$--


HINDI kaya nakaamoy ang Malacañang, dili kaya’y nabiktima ito ng mga “marites”?

Sa bagay, ‘pag mayroong “usok” ay may “sunog”. Ha-ha-ha! 


----$$$--


MAY bulungan na pumapalag at nagrereklamo ang ilang kontraktor sa Bicol.

At nakarating umano ang “sumbong” sa big boss.

Tsk, tsk, tsk.


---$$$--


HINDI naman kasi nakaya ng mga kontraktor ang kapritso.

Siyempre, nasukol sila sa pader.


----$$$--


ISINISISI kay “Mr. L” at “Miss S” ang hinaing ng mga kontraktor dahil sa “kasintaas” ng langit ang kapritso.

Malulugi na ang mga kontraktor.


----$$$--


MAY nagsasabi na ngayong 2025 ay “na-zero” na sa project listing ang “riding-in-tandem”.

Maaaring naamoy na ang diskarte.


----$$$--


PERO, binago na nila ang estratehiya ngayon, nanghaharbat na lang sila ng “proyekto” nang may “proyekto” sa DPWH Mindanao.

Dumidiretso na sila sa mga local official, siyempre, astig sila ‘pag bumoka.


 ----$$$--


SA totoo lang, marami ang naaawa kay SAP Anton, kasi’y wala naman talaga siyang kinalaman sa “tsismis” pero ayaw tumigil ng mga “marites”.

Huh, sana ay “maapula” agad ang apoy sakali mang magliyab.


----$$$--


ANG problema ay nabibilad ang mga ayudante ni PBBM.

Nababahala tayo, dahil baka hindi sinasadya maging ang opisina ng SAP ay ma-QuadComm

Ngek!!!


----$$$--


WALA sanang maisagawang “lifestyle check”.

Masasayang kasi ang mga pinaghirapan ng Malacañang sa nagdaang tatlong taon.


 

Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page