top of page
Search
BULGAR

Bawasan ang workload ng mga guro para makapag-focus sa pagtuturo

ni Kuya Win Gatchalian - @Win Tayong Lahat | August 2, 2022



Hinihimok ng inyong lingkod ang pamahalaan na pagaanin ang workload o trabaho ng mga guro upang matutukan nila ang kanilang tunay na tungkulin — ang pagtuturo sa mga mag-aaral.


Bukod sa pagtuturo ay kadalasang binibigyan ng iba pang trabaho ang mga guro, tulad ng iba’t ibang administrative roles at student support roles. Ilang halimbawa ng administrative roles ay ang pagtulong sa pagbabakuna, deworming, halalan, at iba pa, bagay na nakakaapekto sa kalidad ng pagtuturo. Noong 2019, pinuna ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nasasapawan ng mga administrative work ang aktuwal na pagtuturo ng mga guro.


Isa sa mga agarang hakbang na ipinapanukala natin sa Senado ay ang paglabas ng pondo para sa limang libong Administrative Officers (AO) sa mga pampublikong elementarya at high school sa bansa na tututok sa mga trabahong administratibo.


Isa ring pangmatagalang solusyon ang pagtiyak na may sapat na bilang ng non-teaching personnel batay sa school structure at staffing pattern, bagay na pag-aaralan at bubuuin ng Department of Education - Bureau of Human Resource and Organizational Development (BHROD) kasama ng Research Center for Teacher Quality (RCTQ).


Bukod dito ay hinihimok din natin ang DepEd na magsagawa ng pag-aaral sa workload ng mga guro. Ito ay upang mabalanse ang kanilang gawain at matiyak na mas nakatutok ang kanilang panahon sa paghasa sa kakayahan ng mga mag-aaral.


Ang panukalang pag-aralan ang workload ng mga guro ay isa sa mga rekomendasyon ng inyong lingkod noong ibinahagi natin ang resulta ng pagsusuri ng Committee on Basic Education, Arts and Culture sa pagpapatupad ng Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670).


Sa pagtataguyod ng kapakanan ng ating mga guro, dapat tiyakin nating nailalaan nila ang mas maraming oras para tutukan ang kanilang mag-aaral. Mahalagang pagsikapan nating maalis na sa mga guro ang mga trabahong walang direktang kinalaman sa kanilang pagtuturo, lalo na’t ang makikinabang dito ay ang ating mga mag-aaral.


 

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page