top of page
Search
BULGAR

Bawas-taripa sa imported rice, tablado kay P-BBM

ni Mylene Alfonso @News | September 28, 2023




Ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang panukala ng ilang gabinete na bawasan ang taripa o buwis sa imported na bigas.


Sa sectoral meeting sa Malacañang, inihayag ni Marcos na hindi ito ang tamang panahon para ibaba ang tariff rates sa mga imported na bigas.


Kadalasan umanong binabawasan ang taripa kapag mataas ang presyo at hindi ngayong inaasahang bababa ang pandaigdigang presyo ng bigas.


Una nang ipinanukala nina Finance Sec. Benjamin Diokno at National Economic and Development Authority Sec. Arsenio Balisacan na babaan ang taripa para umano pababain ang presyo ng bigas sa merkado.


Nauna nang nagpahayag ng pagtutol ang ilang grupo ng magsasaka sa pagbaba ng taripa dahil mga importer lamang umano ang makikinabang nito.


Sakaling ipinatupad, mas lalong bababa umano ang presyo ng palay at mawawalan ng gana ang mga magsasaka na paramihin pa ang produksyon.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page