ni BRT @News | August 6, 2023
Posible umanong magpatupad ng bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong Agosto.
Kaugnay umano ito ng mas mababang generation costs, demand at paglakas ng piso.
“We are optimistic that these factors would be enough to bring down the overall electricity rate for this month,” abiso pa ng Meralco.
Bagama’t hindi pa umano nila natatanggap ang pinal na billing mula sa suppliers, inaasahan na nila ang posibleng pagbaba ng generation charge ngayong buwan.
Naobserbahan na rin umano nila ang pagbaba ng demand sa nakalipas na supply month, na maaaring magresulta sa mas mababang presyo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Opmerkingen