ni BRT | April 12, 2023
Magkakaroon ng bawas sa singil ng kuryente para sa April billing.
Ayon sa Meralco, P0.118 kada kilowatt hour (kwh) ang bawas-singil ngayong Abril bunsod ng mababang generation at transmission charges.
Katumbas umano ito ng P24 bawas-singil para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh, P35 sa konsumong 300 kwh, P47 sa konsumong 400 kwh at P59 sa konsumong 500 kwh.
Comments