top of page
Search
BULGAR

Bawal pa rin ang mga torneo at kompetisyon sa MM at GCQ areas

ni Gerard Peter - @Sports | December 17, 2020





Posible pa ring hindi papayagang makapagdaos ng anumang uri ng sports sa Metro Manila o mga lugar na sakop ng General Community Quarantine (GCQ) sa 2021.


Kasunod ito ng plano ng bagong professional league na Premier Volleyball League (PVL) na magbubukas sa unang quarter ng taon sa loob ng NCR, na saka-sakaling mapasailalim pa rin ng GCQ ang kalakhang Maynila, kinakailangang gawin ang anumang torneo o kompetisyon sa mga lugar na sakop lamang ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) tulad ng Laguna, Bulacan o Angeles City sa Pampanga, kung saan idinaos ang matagumpay na PBA Bubble sa Angeles University Foundation (AUF).


Initially kase they wanted to play in Manila. We informed them that its still GCQ, and its not going to happen. I know Sir Ricky (Palou) is very innovative. We don’t want to rock the boat, kase kapag pinayagan 'yan lahat na ng leagues papayagan na,” wika ni GAB chairman Abraham 'Baham' Mitra, Martes ng umaga sa lingguhang PSA Forum webcast.


I don’t want to go ahead of the IATF (Inter-Agency Task Force), but I liked to say that, but I guess we will not allowing any professional sports competitions, tournaments, upon instructions of the IATF within GCQ areas, which is the Metro Manila, So if they want they can go to Laguna, go to Bulacan, or Angeles (Pampanga),” dagdag ni Mitra.


Pinaalalahanan ng 50-anyos na tubong Palawan na marapat lamang na patuloy na mag-ingat ang lahat ng stakeholders nito upang maiwasan ang hindi inaasahang hawahan sa sports, partikular na sa professional sports.“Mahirap na. we don’t want a second wave and we don’t want the sports to be the cause of this (Covid), specially sa professional sports,” esplika ni Mitra.


Aminado siya na hindi prayoridad ang kanilang ahensya ng pamahalaan dahil nakatuon una ang atensyon ng bansa sa ibang mga sektor, pangunahin ang mga lumalaban sa naturang sakit o mga frontliners, gayundin ang mahihirap na kababayan.


Inilahad din ng kalihim na iaangat na ang bilang ng mga partisipante sa isang palaro o ang mga tao sa loob ng isinasagawang sports event sa 2021 ngunit nilinaw nitong mananatili pa ring sarado sa manonood at tagahanga ang mga palaro. Patuloy na nakikipag-ugnayang mabuti ang kanilang ahensya sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development at sa Philippine Sports Commission hinggil sa mga mga karagdagang panuntunan.


Aniya, maraming events na maaring buksan sa 2021, kabilang anginternational MMA sa 2nd quarter, bagong professional basketball league, beach volleyball at pingpong (table tennis). “Looking for 2021 as banner year. May gigil at pananabik. Aangat tayo sa 2021.”

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page