ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | August 27, 2021
Nitong mga nakaraang araw, lumabas ang initial findings ng Commission on Audit sa ilang ahensiya ng pamahalaan. Bilang inyong tagapaglingkod, hinihikayat natin ang mga ahensiya na sagutin at klaruhin ang mga isyung ito. Dapat lumabas ang katotohanan. Kailangang malaman ng bawat Pilipino kung saan napunta at paano ginamit ang kanilang pera.
Ayusin ang dapat ayusin, bayaran ang dapat bayaran sa maayos at legal na paraan. Hindi dapat natutulog ang pera ng bayan at dapat magamit ito para makabenepisyo ang mga Pilipino. Hindi rin dapat mabagal o matagal ang serbisyo sa tao. Higit sa lahat, hindi tayo papayag na masasayang o mananakaw ni isang piso dahil buhay ang katapat nito, lalo na ngayon na may pandemya tayong hinaharap.
Hinihikayat natin ang Ombudsman at ang COA na ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon at audit. Kung may mapatunayang anomalya, kasuhan dapat at ikulong!
Ang importante ay masunod ang tamang proseso para maliwanagan ang mga Pilipino, maitama ang mali, mapanagot ang may sala, at makabalik tayo sa trabaho at mas matutukan ang laban kontra COVID-19, kasama ang hirap at gutom na dulot nito.
Nais nating iparating sa taumbayan na bagama’t maraming isyu na lumalabas ngayon, walang tigil ang serbisyo at malasakit ng inyong gobyerno para maiahon tayong lahat mula sa krisis.
Nitong nakaraang mga araw, patuloy tayo sa pag-iikot para tulungan ang ating mga kababayan sa oras ng kanilang pangangailangan.
Tinulungan natin ang mga market vendors at TODA members sa Capiz, tulad ng 909 sa Tapaz; 557 sa Pilar; 2,459 naman sa Pres. Roxas; 657 sa Sapi-an; 1,500 sa Jamindan; 2,549 naman sa Panitan; 6,043 sa Ma-ayon; 2,824 sa Dao; 284 sa Dumalag; 4,475 sa Sigma; at 4,088 naman sa Roxas City.
Pinuntahan din natin ang ating mga solo parents at PWDs sa Southern Leyte, tulad ng 703 na indibidwal mula sa Pintuyan at 703 pa sa Malitbog. Nag-abot din tayo ng tulong sa 246 na mga benepisaryo sa San Francisco. Dagdag pa riyan, pumunta rin ang ating mga kasamahan sa Northern Samar upang mag-abot ng tulong sa iba’t ibang sectoral groups kung saan 144 mula sa Lope de Vega at 107 naman sa Las Navas ang naayudahan.
Binigyan din natin ng ayuda ang 162 market vendors na biktima ng sunog sa Teresa, Rizal; 123 magsasaka at mangingisda sa Angono, Rizal; at 12,132 na mga magsasaka sa Guimba, Nueva Ecija.
Sa Zamboanga Sibugay, nag-abot din tayo ng kaparong tulong sa sa 9,591 public transport workers, farmers, fisherfolk at market vendors mula sa bayan ng Mabuhay, Talusan, Titay at Buug. Mayroon ding 1,248 Recovering Persons Who Used Drugs ang binigyan ng tulong sa Tudela, Misamis Occidental, at 1,200 essential workers naman mula sa Plaridel at Aloran ng probinsya ng Misamis Occidental.
Bilang Chair ng Senate Committee on Health, patuloy rin tayong nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno upang mapabilis ang pagbabakuna at maalagaan ang mga nagkakasakit para makapagligtas ng buhay.
Noong Agosto 25, meron na tayong kabuuang halos 49 milyong doses ng mga bakuna na dumating na sa bansa. May mahigit 31 milyong doses na ang naiturok kung saan 18 milyon nito ay bilang unang dose at mahigit 13 milyong Pilipino naman ang nakakumpleto na ng kanilang bakuna.
Patuloy pa rin ang ating apela sa lahat na sundin ang mga itinakdang patakaran kahit bakunado na para matigil na ang pagkalat ng COVID-19. Sa mga hindi pa bakunado, huwag mag-alinlangan pa dahil ito ang susi upang maibalik ang ating normal na pamumuhay.
Maging maingat at mapagbantay tayo palagi. Nandito lang ang inyong pamahalaan, palaging handang tumulong at magmalasakit sa anumang suliranin.
Samantala, tungkol naman sa endorsement ng PDP-Laban, nagpapasalamat tayo sa tiwala at suporta. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang isip natin. Hindi talaga interesadong tumakbo bilang Pangulo ang inyong sa susunod na halalan.
Ang importante ay may katimbang si Pangulong Duterte na kayang ipagpatuloy ang mga nagawa niya. ‘Yan ang continuity na ninanais natin sa bansa — kung paano maipagpapatuloy ang magagandang pagbabago na nasimulan, lalo na ang kampanya laban sa kriminalidad, korupsiyon at ilegal na droga. At kung paano rin maipagpapatuloy ang pagkakaroon ng gobyerno na may malasakit sa kanyang mamamayan para maiahon ang ating bansa mula sa krisis na ito.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Comments