top of page
Search
BULGAR

Bawal ang non-appearance sa annulment

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 14, 2023


Dear Chief Acosta,


Habang ako ay nagba-browse sa social media, nakakita ako ng isang post na nag-aalok ng serbisyo patungkol sa Annulment of Marriage na hindi na dadaan pa sa korte at wala nang appearance rito. Sila na diumano ang mag-aasikaso ng lahat. Legal ba iyon at pagkatapos noon puwede na ba akong magpakasal ulit? - Alodia


Dear Alodia,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Article 1 ng Family Code of the Philippines kung saan nakasaad na:


“Article 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code.”


Sang-ayon sa nabanggit, ang kasal ay isang special na kontrata na napapasok lamang kapag ito ay sumunod sa mga proseso at requirements ng batas. Alinsunod dito, ang isang kasal ay mapapawalang-bisa lamang sa pamamagitan din ng mga proseso at sitwasyon na nakasaad sa batas.


Ayon din sa ating Family Code, tanging ang mga korte lamang ang puwedeng magpawalang-bisa sa isang kasal sa pamamagitan ng pag-file ng petition for annulment of marriage o petition for declaration of absolute nullity of marriage. Ibig sabihin nito, kailangang mag-file muna ng petition sa korte at magpakita sa huwes ang petitioner o ang nag-file ng petition at kailangan niya munang patunayan na may mga rason siya para ipawalang-bisa ang kanyang kasal.


Ang mga sinasabing “no-appearance annulment” ay illegal at hindi totoo, at ang taong nag-aalok nito ay puwedeng masampahan ng kasong kriminal at iba pa. Kaya naman, mahigpit ka naming pinapayuhan na huwag maniwala sa iyong nakitang post sa social media, at sa halip ay sumangguni sa isang abogado para sa iyong mga legal na katanungan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

ance sa annulment

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page