ni Thea Janica Teh | September 4, 2020
Kumalat sa Britain ang isang report na positibo sa COVID-19 ang bagong Batman actor na si Robert Pattinson.
Sa inilabas na statement ng Warner Bros., isang miyembro ng production ang nagpositibo sa COVID-19 kaya naman pansamantala nitong ititigil ang filming. Walang binanggit na pangalan ang Warner Bros. kung sino sa mga ito ang nagpositibo.
Ngunit ayon sa Variety, Hollywood Reporter at Vanity Fair magazine, ang taong tinutukoy
sa pahayag ay si Robert Pattinson. Nakumpirma umano nila ito mula sa “highly place
sources” sa bansa.
Wala namang inilabas na komento si Pattinson pati na rin ang Warner Bros. tungkol dito. Kaya naman hindi pa rin malinaw kung ang 34-anyos na aktor ang nagpositibo sa COVID-19.
Kababalik lamang ng produksiyon ng Batman ngayong buwan matapos itong ipatigil noong Marso kasabay ng iba pang pelikula at TV shows dahil sa COVID-19 pandemic.
May 3 buwan na lang bago matapos ang pelikula. Una nang inanunsiyo na ipapalabas ito sa June 2021 ngunit naurong sa October 2021.
Noong Agosto, ipinasilip ng Warner Bros. ang bagong Batman movie sa inilabas na trailer.
Isa lamang ang produksiyong ito sa mga nahihirapang bumalik sa trabaho dahil sa
nararanasang pandemic.
Kommentare