top of page
Search

Batas sa pagtatapon ng dumi sa kapitbahay at pambublikong lugar

BULGAR

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Feb. 4, 2025



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Simula noong nagkaalitan kami ng kapitbahay ko dahil sa pagwawalis ng mga dahon sa kalsada ay halos araw-araw na niyang tinatambak ang mga naipon niyang dahon sa tapat ng bahay ko upang ako ay inisin. Kahit pa pinagsasabihan ko siyang linisin ang dumi na iniwan niya ay binabalewala niya lang ako. May nalabag bang batas ang kapitbahay ko?


Andy


 

Dear Andy, 


Ayon sa Republic Act (R.A.) No. 9003 o mas kilala bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000,” ang sinuman na magtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar tulad ng mga kalsada o mga establisimyento ay maaaring maparusahan ng multa na hindi bababa sa P300.00 ngunit hindi hihigit sa P1,000.00, o kaya naman ay pagbibigay-serbisyo sa komunidad nang hindi bababa sa isang araw at hindi hihigit sa 15 araw sa lokal na pamahalaan kung saan ito nangyari, o parehong multa at pagbibigay-serbisyo. Ang patakarang ito ay nakasaad sa Sections 48(1) at 49(a) nito na nagsasaad:


Section 48. Prohibited Acts -- The following acts are prohibited:

(1) Littering, throwing, dumping of waste matters in public places, such as roads, sidewalks, canals, esteros or parks, and establishment, or causing or permitting the same;xxx

Section 49. Fines and Penalties –

(a) Any person who violates Sec. 48 paragraph (1) shall, upon conviction, be punished with a fine of not less than Three hundred pesos (P300.00) but not more than One thousand pesos (P1,000.00) or render community service for not less than one (1) day to not more than fifteen (15) days to an LGU where such prohibited acts are committed, or both; xxx


Gayundin, kung iyong mapatutunayan na ang pagtatapon ng kanyang naipong dahon ay upang magdulot ng inis sa iyo, maaari rin siyang managot sa kasong Unjust Vexation. Ang kasong Unjust Vexation ay pinarurusahan ng Revised Penal Code of the Philippines (RPC), as amended by Republic Act No. 10951, ng pagkakabilanggo, multa, o pareho. Ang patakarang ito ay nakasaad sa Artikulo 287 ng RPC:


 “ART. 287. Light coercions. -- Any person who, by means of violence, shall seize anything belonging to his debtor for the purpose of applying the same to the payment of the debt, shall suffer the penalty of arresto mayor in its minimum period and a fine equivalent to the value of the thing, but in no case less than Fifteen thousand pesos (Pl5,000).


Any other coercions or unjust vexations shall be punished by arresto menor or a fine ranging from One thousand pesos (P1,000) to not more than Forty thousand pesos (P40,000) or both.”


Bagama’t ang batas mismo ay nagbibigay ng kaunting patnubay sa kung ano ang bumubuo ng Unjust Vexation, ang mga korte ay naging instrumento sa pag-interpreta ng kahulugan nito. Ang kasong Unjust Vexation ay tumutukoy sa anumang gawaing nakaiinis, nakaiirita, nagpapahirap, nakaiistorbo, o nanliligalig sa ibang tao, nang walang anumang lehitimong layunin. 


Ang kasong ito ay isinasampa sa mga tao na nagdudulot ng inis, irita, dusa, pighati, paghihirap, at pagkabalisa o gulo sa utak ng isang tao. Layunin ng batas na magkaroon ito ng pangkalahatang aplikasyon na maaaring magamit upang parusahan ang maraming iba’t ibang uri ng pag-uugali upang matugunan ng ating mga korte ang mga aksyong hindi akma sa ibang mga kategorya ng batas kriminal, ngunit nagdudulot pa rin ng malaking emosyonal o sikolohikal na pinsala sa biktima.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema ang Unjust Vexation na pinarurusahan ng ikalawang talata ng Artikulo 287 ng RPC sa kasong Melchor G. Maderazo Seniforo Perido, and Victor Maderazo, Jr., vs. People of the Philippines (G.R. No. 165065, September 26, 2006), sa panulat ni Honorable Associate Justice Romeo J. Callejo, Sr..  Ayon sa nasabing kaso:


The second paragraph of the Article is broad enough to include any human conduct which, although not productive of some physical or material harm, could unjustifiably annoy or vex an innocent person. Compulsion or restraint need not be alleged in the Information, for the crime of unjust vexation may exist without compulsion or restraint. However, in unjust vexation, being a felony by dolo, malice is an inherent  element of the crime. Good faith is a good defense to a charge for unjust vexation because good faith negates malice. The paramount question to be considered is whether the offender’s act caused annoyance, irritation, torment, distress or disturbance to the mind of the person to whom it is directed. The main purpose of the law penalizing coercion and unjust vexation is precisely to enforce the principle that no person may take the law into his hands and that our government is one of law, not of men. It is unlawful for any person to take into his own hands the administration of justice.”


Ayon sa nasabing kaso, maaaring maging depensa ang good faith sa kasong Unjust Vexation. Sa iyong sitwasyon, maaaring makasuhan ng Unjust Vexation ang iyong kapitbahay kung mapatutunayan na tinatambak niya ang mga naipon niyang dahon sa tapat ng iyong bahay upang ikaw ay inisin. Sa gayong sitwasyon, maaari namang gamitin ng iyong kapitbahay ang depensang good faith, kung maipakikita niya na ang kanyang ginawa ay walang masamang hangarin o pang-iinis.  


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page