top of page
Search

Batas patungkol sa Open Distance Learning

BULGAR

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Mar. 10, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Lumaki tayo na ang ordinaryong imahe ng pag-aaral hanggang makaabot sa kolehiyo ay ang pagpunta o pagpasok sa eskwelahan. Ngunit, nais ko lang malaman kung may batas ba patungkol sa ibang paraan ng pag-aaral sa ating bansa? Salamat.  Rosalya


 

Dear Rosalya,


Makikita ang kasagutan sa iyong katanungan sa mga Seksyon 5 at 9 ng Republic Act (R.A.) No. 10650, o mas kilala sa tawag na “Open Distance Learning Act,” kung saan nakasaad na:


Section 5. Institutionalization of Open Distance Learning (ODL). – ODL is hereby institutionalized in accordance with the provisions of this Act. The ODL programs shall conform to the guidelines set by the Commission on Higher Education (CHED) and the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) for both the conventional classroom or traditional mode and the nonconventional mode.


Isa sa pinakamahalagang bagay na pinagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno ay ang edukasyon. Kung kaya, naging polisiya ng Estado na magkaroon ng patakaran na palawakin, at higit na magkaroon ng demokrasya ang mapagkakalooban nito, ng dekalidad na tersiyaryong edukasyon. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtataguyod ng bukas na pag-aaral bilang pilosopiya ng pagkakaroon ng mga serbisyong pang-edukasyon, at ang paggamit ng distance education bilang isang naaangkop, mahusay, at epektibong sistema ng paghahatid ng dekalidad na mas mataas at teknikal na serbisyong pang-edukasyon sa bansa.


Nabanggit din sa Seksyon 9 ng parehong batas ang paraan upang maihatid ang nasabing ODL, at ito ay ang mga sumusunod: 


Section 9. Mode of Delivery. – The ODL programs may be delivered using information and communications technology and other approaches, such as the following:


(a) Print – textbooks, study guides, workbooks, course syllabi, correspondence feedback and other print formats;

(b) Audio-Visual – radio, audio cassettes, slides, film, videotapes, television, telephone, fax, audio-conferencing and video-conferencing;

(c) Electronic/Computer Technology and Virtual Classrooms – internet, CD-ROM, electronic mail, e-bulletin boards, podcasts, m-learning, i-lectures, e-learning or online learning management systems; and

(d) Face-to-Face Sessions – conducted in learning and study centers.”


Dahil dito, bilang kasagutan sa iyong katanungan at ayon sa Seksyon 5 ng R.A. No. 10650, ang ODL ay itinatag alinsunod sa mga probisyon ng batas na ito. Ang mga programang ODL ay dapat sumunod sa mga alituntunin na itinakda ng CHED at TESDA para sa parehong kumbensyonal na silid-aralan at hindi kinaugalian na pamamaraan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page