top of page
Search
BULGAR

Batas patungkol sa ‘No Work, No Pay’

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 12, 2024

 

Dear Chief Acosta,

 

Nagtatrabaho ako mula Lunes hanggang Sabado lamang. Sabi ng employer ko, buwan-buwan diumano babayaran ang sahod ko. Pero tumanggi silang bayaran ang mga araw na wala akong trabaho gaya ng Linggo. May karapatan ba akong bayaran para sa mga araw na wala akong trabaho? - Jacob

 

Dear Jacob,

 

Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Cezar Odango in his behalf and in behalf of 32 complainants vs. National Labor Relations Commission and Antique Electric Cooperative, Inc.” (G.R. No. 147420, 10 June 2004), na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Antonio T. Carpio, kung saan ipinaliwanag ang prinsipyo na walang trabaho, walang bayad o “no work, no pay”:

 

“xxx The basic rule in this jurisdiction is “no work, no pay.” The right to be paid for un-worked days is generally limited to the ten legal holidays in a year. Petitioners’ claim is based on a mistaken notion that Section 2, Rule IV of Book III gave rise to a right to be paid for un-worked days beyond the ten legal holidays. In effect, petitioners demand that ANTECO should pay them on Sundays, the unworked half of Saturdays and other days that they do not work at all. Petitioners’ line of reasoning is not only a violation of the “no work, no pay” principle, it also gives rise to an invidious classification, a violation of the equal protection clause. Sustaining petitioners’ argument will make monthly-paid employees a privileged class who are paid even if they do not work.” 

 

Batay sa nabanggit na desisyon, ang pangunahing tuntunin na umiiral ay ang prinsipyo na walang trabaho, walang bayad o “no work, no pay”.  Kaugnay nito, ang karapatang mabayaran para sa mga araw na hindi nagtrabaho ay karaniwang limitado sa 10 legal na holiday sa isang taon. Samakatuwid, maliban sa sampung legal na holiday, hindi ka karapat-dapat na mabayaran para sa mga araw na wala kang trabaho alinsunod sa prinsipyo na walang trabaho, walang bayad o “no work, no pay”.

 

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

 

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page