top of page
Search
BULGAR

Batas para sa proteksyon ng mga kabataan sa oras ng kalamidad o sakuna

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Oct. 31, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Tuwing nanonood ako ng balita patungkol sa mga lugar na apektado ng sakuna, napapaisip ako tungkol sa kalagayan ng mga kabataan na kasama sa mga apektado. Dahil dito, nais ko sanang malaman kung may batas na tumutugon sa sitwasyon ng mga kabataan na apektado ng nasabing mga sakuna o emergency situations? Salamat sa inyong magiging tugon. — Lot-Lot


 

Dear Lot-Lot,


Ang maaaring sumaklaw na batas sa iyong nabanggit na sitwasyon ay matatagpuan sa Seksyon 4 ng Republic Act (R.A.) No. 10821, o mas kilala sa tawag na “Children’s Emergency Relief and Protection Act,” kung saan nakasaad na:


SECTION 4. Comprehensive Emergency Program for Children. – The Department of Social Welfare and Development (DSWD) shall formulate a Comprehensive Emergency Program for Children, hereinafter referred to as the Program, taking into consideration humanitarian standards for their protection. The Program shall be used as the basis for handling disasters and other emergency situations to protect children, pregnant and lactating mothers, and support their immediate recovery. This shall be implemented immediately after the declaration of a national or local state of calamity or occurrence of any other emergency situation.


The DSWD shall engage all relevant government agencies and stakeholders for the implementation of the Program. Local government units (LGUs) shall integrate the same in their development and Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) plans and budget. x x x


Inaatasan ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na magpanukala ng isang programang tinatawag na Comprehensive Emergency Program para sa mga kabataan kung saan ang magiging prayoridad ay ang pangunahing pamantayan para sa kaligtasan ng mga tao.  Ang nasabing programa ang gagamitin na basehan sa pagtugon sa mga sakuna o anumang emergency situation upang maprotektahan ang mga kabataan, at para sumuporta sa kanilang agarang paggaling. Ito ay nararapat na ipatupad kaagad matapos maideklara ang isang national o local state of calamity, o pagkakaroon ng iba pang emergency situations.


Nararapat din na ang DSWD ay hikayatin ang partisipasyon ng iba pang mga ahensya ng gobyerno para sa agaran at wastong pagpapatupad ng nasabing Comprehensive Emergency Program. Dapat ding isama ng mga local government units ang Comprehensive Emergency Program sa kanilang plano at budget ukol sa local disaster risk reduction and management. Ang nasabing batas ay ginawa upang masigurado ang kaligtasan ng lahat, kasama ang mga kabataan, sa mga sitwasyon na hindi inaasahan katulad ng kalamidad, sakuna o ano pa mang emergency situations sa ating bansa. Ito ay isinabatas din upang masiguradong mabibigyan ang ating mga kabataan ng angkop na suporta at kakayanan na muling makabawi sa kanilang buhay. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page