ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021
Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Batangas ngayong Sabado nang umaga, ayon sa PHIVOLCS.
Sa inisyal na tala ng PHIVOLCS, alas-4:49 nang umaga nang tumama ang lindol sa Calatagan, Batangas na may lalim na 116 km ngunit itinaas ito ng ahensiya sa lalim na 123 kilometro.
Naitala rin ang Intensity V sa Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan at Magsaysay, Occidental Mindoro; Carmona at Dasmarinas City, Cavite; Intensity IV sa Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City at Talisay City, Batangas; San Mateo, Rizal; Intensity III sa Pasig City; San Jose del Monte City, Bulacan.
Gayundin ang Instrumental Intensities na: Intensity V sa Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Intensity IV sa Batangas City, Batangas; Carmona, Cavite; Calumpit at Plaridel, Bulacan; Intensity III sa Quezon City; Marikina City; Pasig City; Las Piñas City; Muntinlupa City; Malabon City; Navotas City; San Ildefonso, Pandi, Malolos, San Rafael, at Marilao, Bulacan; Intensity II sa San Juan City; Dagupan City; Polillo, Quezon; at Intensity I sa Guinayangan, Quezon; Magalang, Pampanga; Iriga at Sipocot, Camarines Sur; Daet, Camarines Norte; Palayan City, Nueva Ecija; Iloilo City; Kalibo, Aklan; San Jose City, Antique; at Bago City, Negros Occidental.
Sinundan ito ng 5.5-magnitude aftershock bandang alas- 04:57 nang umaga na may lalim na 108 kilometers.
Naitala ang Intensity V sa Calatagan, Batangas; Intensity IV sa Balayan, Calaca at Mabini, Batangas; Intensity III sa Quezon City; Makati City; Manila City; Tagaytay City at Naic, Cavite; Batangas City, San Pascual & Bauan, Batangas; Hermosa, Bataan; at Intensity II sa Lipa City, Batangas.
Naitala rin ang Instrumental Intensities na: Intensity IV sa Calatagan, Batangas; Intensity III sa Calapan City, Oriental Mindoro; Plaridel, San Ildefonso, Calumpit at Malolos City, Bulacan; Intensity II sa Marikina City; Las Piñas City; Pasig City; Batangas City, Batangas; Marilao, Pandi at San Rafael, Bulacan; Bacoor City at Carmona, Cavite; Dolores, Quezon; at Intensity I sa Quezon City; San Juan City; Infanta, Gumaca at Mulanay, Quezon.
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng magkaroon ng mga aftershocks ngunit wala naman umanong banta ng tsunami dahil sa lindol.
Comments