ni Lolet Abania | December 13, 2021
Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Batangas ngayong Lunes ng hapon, ayon sa PHIVOLCS.
Batay sa PHIVOLCS, naitala ang lindol bandang alas-5:12 ng hapon, na nasa 24 kilometro timog-kanluran ng Calatagan, Batangas habang may lalim itong 99 kilometro at tectonic in origin.
Naramdaman din ang pagyanig na nakapagtala ng Intensity 3 sa Quezon City at Intensity 2 naman sa San Felipe, Zambales.
Gayundin, naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Quezon City, Tagaytay City, Batangas City at Calatagan. Ayon pa sa PHIVOLCS, asahan na ang posibleng mga aftershocks matapos ang lindol.
Comments