top of page
Search
BULGAR

Batang si Kulot, kumanta, Vice… IT'S SHOWTIME, TINITIPID ANG MGA TALENTS, KAHIT ELECTRIC FAN, WALEY

ni Ambet Nabus @Let's See |May 5, 2023


Walang dudang humahakot ng mga viewers para sa programang It's Showtime ang mga bagets na sina Kulot at Argus.


Sa pagbabalik sa 12 NN timeslot ng naturang show, mas hinabaan pa ang exposure ng mga bata na talagang bentang-benta kapag si Vice Ganda ang kabiruan.


Maraming lumalabas na tsika mula kay Kulot na kinagigiliwan ng mga manonood.


Sa isang viral post, itsinika ng matalino at matabil na bata na pinapatay ang aircon sa tinutuluyan nilang TNT (Tawag ng Tanghalan) housing 'pag umaga at wala pa silang electric fan, bukod pa nga 'yung mga kasamahan nilang TNT contestants na maingay daw kapag nagpapraktis kahit gabi na o madaling-araw na.



Matapos ngang mag-complain ni Kulot sa araw-araw nilang pagkain ng manok sa dating tinutuluyan na Park Villa, tila gusto nitong ibalik uli sila ru'n dahil lagi raw malamig at may aircon pa. Sosyal, hahaha!


Sa sobrang kulit at sa kadaldalan ni Kulot, marami ang naaaliw sa kanya lalo't naboboljak o naookray niya nang madalas si Vice, pati na ang mga sponsors ng show.


Which leads us to asking, natse-check ba nila ang ganitong concerns ng mga binabahay nilang artists and contestants?


Ngayon pa bang mas pinabongga na ng show ang mga cash prizes nila na mukhang hindi na sila nagtitipid?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page