ni Clyde Mariano @Sports | April 27, 2024
Muling pinatunayan ni Arvin Tolentino na tiyak maaasahan siya pagdating sa kagipitan at dinala ang North Port Batang Pier sa 115-113 na panalo sa Blackwater Bossing sa Philippine Cup sa Caloocan City Sports Complex.
Umiskor ang dating Ginebra hotshot jumper sa huling pitong seconds sa challenging defense ni Chistian David at ibigay ang mahalagang panalo at pigilin ang panglimang sunod na talo at palakasin ang quarterfinals campaign sa kartadang 5-6.
“The final game was designed to Tolentino and he did it in style,” sabi ni coach Bonnie Tan matapos iligtas ni Tolentino ang North Port sa nagbantang panganib.
“He is our franchise player. I instructed him to do the last play. Salamat muli niya uling nagawa ang dalhin sa panalo ang team,” wika ni Tan.
Sinira ni Tolentino ang huling deadlocked 113-all. Umiskor ang dating Gilas Pilipinas stalwart ng game high 27 point, 12 rebounds at seven assists at ang kanyang huling shot ang susi sa panalo ng North Port.
May pag-asa pang maipanalo ng Blackwater.Subalit ang desperate shot ng dating Rain or Shine player ay sumablay at naitakas ng North Port ang panalo.
Umiskor si Tolentino ng 10 points, kasama ang huling walong baskets sa 1:42 seconds. Mayroon siyang dalawang charities sa huling 47 seconds at naitabla ng North Port 113-all matapos maghabol ng six points.
Nag-ambag si Joshua Monzon ng 16 points, limang rebounds at anim na assists at si Danny Cuntapay ay 15 points, kasama ang 5-of-8 sa three-point area.
Umiskor si dating Talk ‘N Text gunner Troy Rosario ng 33 points at si Christian David ay 26 points. Subalit hindi sapat ang kanilang pagsusumikap at sumadsad ang Blackwater sa kartadang 3-9.
Comments