top of page

Batang Manda may suporta sa Triple Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 13, 2024
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | Abril 13, 2024

 

Tiyak na makakakuha ng malaking suporta sa liyamadista ang kalahok na Batang Manda pagsalida nito sa 2024 PHILRACOM Road to Triple Crown Stakes Race na ilalarga sa Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema ang Batang Manda na pag-aari ni Benjamin Abalos.


Ang ibang nagsaad ng pagsali sa distansiyang 1,600 meter race ay ang Added Haha, Ghost, Heartening To See, Jeng's Had Enough, Over Azooming at Sting.


May nakalaan na garantisadong premyo na P1-M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa nasabing event.


Susungkitin ng mananalong kabayo ang P600,000 sa karerang binasbasan ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Posibleng magpakitang-gilas ang kalahok na Ghost na sasakyan ni reigning PSA-JoY John Alvin Guce, ayon sa komento ng mga karerista.


Pipitasin ng 2nd placer ang P200,000, mapupunta ang P100,000 sa pangatlo habang tig-P50,000, P30,000 at P20,000 ang 4th hanggang sixth ayon sa pagkakahilera.


Mag-uuwi naman ang breeder ng mananalong kabayo ng P50,000 at tig-P30,000 at P20,000 ang second at third.


Samantala, papasanin ng fillies ang 52 kgs habang 54 kgs ang kakargahin ng Colts sa karerang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI)


Paniguradong naghahanda na ng todo ang mga kabayong sasali upang makuha ang pinupuntiryang premyo. 

 

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page