top of page
Search
BULGAR

Batang inalagaan nang 28 yrs., gustong legal na ampunin

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 7, 2023


Dear Chief Acosta,


Kami ng aking asawa ang nag-alaga sa isang bata na iniwan ng kanyang mga magulang. Sa loob ng maraming taon ay itinuring namin siyang aming sariling anak.


Ngayon, ang batang inalagaan namin ay 28 taong gulang na. Maaari pa ba namin siyang legal na ampunin kahit na siya ay hindi na menor-de-edad? - Asul


Dear Asul,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong sitwasyon ay ang Section 31 ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Republic Act No. 11642 o mas kilala sa tawag na “The Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act,” na sumasailalim sa Section 22 ng nabanggit na batas, kung saan nakasaad na:


“SECTION 31. Who May be Adopted. - The following may be adopted:

(a) Any child who has been issued a CDCLAA;

(b) The marital child of one spouse by the other spouse;

(c) A non-marital child by a qualified adopter to improve status to legitimacy;

(d) A Filipino of legal age, if prior to the adoption, said person has been consistently considered and treated by the adopters as their own child prior to reaching the age of majority for a period of at least three (3) years prior to the filing of the petition;

(e) A foster child who has been declared as legally available for adoption;

(f) A child whose adoption has been previously rescinded;

(g) A child whose biological or adoptive parent have died. Provided, That, no proceedings shall be filed within six (6) months from the time of death of said parent/s; or

(h) A relative of the adopter under the relevant conditions stated in this section.”


Sang-ayon sa batas, maaaring ampunin ang isang Pilipino, kahit na siya ay nasa hustong gulang na, kung siya ay itinuring na sariling anak ng kanyang adopters noong siya ay wala pa sa hustong gulang nang hindi bababa sa 3 taon bago ang pag-file ng petition for adoption.


Ibig sabihin, dahil siya ay pinalaki ninyo at itinuring na sariling anak mula noong siya ay menor-de-edad pa lamang, maaaring ninyong ampunin ang nasabing tao, kahit na siya ay nasa hustong gulang na.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page