ni Lolet Abania | February 12, 2022
Isang magnitude 5.1 na lindol ang yumanig sa baybayin ng Sabtang, Batanes ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa bulletin ng PHIVOLCS, alas-8:41 ng umaga naitala ng lindol.
Matatagpuan ang epicenter ng lindol sa 20.15°N, 121.53°E - 041 km S 60° W ng munisipalidad ng Sabtang.
Ayon pa sa PHIVOLCS, tectonic ang pagyanig na may lalim na 51 kilometers.
Naramdaman ang Intensity IV sa Sabtang, Batanes; Intensity III naman sa Uyugan, Ivana, Mahatao at Basco sa Batanes; at Intensity I sa Itbayat, Batanes.
Wala namang naitalang pinsala sa lugar matapos ang lindol subalit, babala ng PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng mga aftershocks.
Commenti