top of page
Search
BULGAR

Batanes LGU, member na sa KaSSSangga Collect Program ng SSS

ni Fely Ng @Bulgarific | August 14, 2024



LAB FOR ALL

Hello, Bulgarians! Ipinahayag ng Social Security System (SSS) na mahigit 2,000 job order (JO) na manggagawa ng Provincial Local Government Unit (PLGU) ng Batanes ang magkakaroon ng social security protection sa ilalim ng KaSSSangga Collect Program (KCP) matapos na maging pinakabagong implementer ng programa. 


Sina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet at Batanes Governor Marilou H. Cayco ay pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) na nagpapahintulot sa mga JO worker ng pamahalaang panlalawigan na makakuha ng social security coverage mula sa SSS sa ilalim ng KCP.


“This only shows SSS is committed to its mandate of expanding social security protection and services to all working Filipinos up to the last mile provinces in the Philippines like Batanes,” pahayag ni Macasaet.


Ipinaliwanag ni Macasaet na sa ilalim ng KCP, ang mga JO worker ng PLGU ay irerehistro bilang mga self-employed na miyembro ng SSS. Kasabay nito, ang PLGU Batanes ay magsisilbing SSS collecting partner, na kokolekta ng kontribusyon ng mga JO worker sa pamamagitan ng salary deduction scheme at ire-remit ang mga ito sa SSS.


“The timely remittance of monthly premiums will ensure that JO workers are qualified to avail of SSS benefits and loan privileges in times of emergencies,” sabi ni Macasaet.


Sinabi rin niya na ang mga JO worker, bilang self-employed na miyembro, ay maaaring makakuha ng mga benepisyo ng SSS gaya ng sickness, maternity, disability, retirement, death, and funeral. “Maaari rin silang mag-avail ng loan privileges tulad ng salary at calamity loan,” aniya pa.


Bilang karagdagan sa mga benepisyo ng SSS, sila ay may karapatan na makatanggap ng mga benepisyo ng Employees’ Compensation (EC) sakaling magkaroon ng work-connected sickness, injury, or death.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Komentarji


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page