ni Thea Janica Teh | November 6, 2020
Nakataas pa rin sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang Batanes at Babuyan Island habang patawid sa Misanga Island sa Itbayat, Batanes ang Severe Tropical Storm Siony ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.
Samantala, nakataas naman sa TCWS No. 1 ang northern portion ng mainland Cagayan kabilang ang Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes); northern portion ng Apayao (kabilang ang Santa Marcela, Luna, Calanasan), at northern portion ng Ilocos Norte (kabilang ang Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra).
Sa inilabas na update kaninang alas-8 ng umaga ng PAGASA, patuloy na gumagalaw ang Bagyong Siony papunta sa west-northwestward at tatawid sa southern coast ng Taiwan sa loob ng 12 oras.
Ito ay may sustained wind na 95 kph at bugso ng hangin na 115 kph. Mapapanatili ng Bagyong Siony ang kanyang lakas sa 95 kph at maaari pang tumaas sa 100 kph sa loob ng 24 oras. Inaasahan naman na makakalabas na ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes nang gabi.
Comments