top of page
Search
BULGAR

Batanes at Babuyan Island, Signal No. 2 dahil kay 'Siony'

ni Thea Janica Teh | November 5, 2020




Itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang ilang lugar sa Northern Luzon dahil sa paglapit ng Bagyong Siony sa Luzon Strait.


Sa inilabas na Severe Weather Bulletin ng PAGASA kaninang alas-4 ng madaling araw, namataan ang bagyo sa 595 km east ng Basco, Batanes na may maximum sustained wind na 95 kph.


Ito ay may bugso ng hangin na 115 kph habang papunta ng west southwestward sa 10 kph. Kaya naman itinaas na sa TCWS No. 2 ang Batanes at eastern portion ng Babuyan Island (Balintang Island, Babuyan Island, Didicas Island at Camiguin Island), habang TCWS No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Babuyan Island, northern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Allacapan, Santa Teresita, Buguey, Camalaniugan, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes), northern portion ng Apayao (Santa Marcela, Luna, Calanasan) at northern portion ng Ilocos Norte (Adams, Pagudpud, Bangui, Dumalneg, Burgos, Vintar, Pasuquin, Bacarra).


Inaasahan na ang mata ng bagyo ay dadaan o lalapit sa bayan ng Batanes o Babuyan Island sa Biyernes nang umaga na may lakas na 120 kph at lalabas din ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes nang gabi.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page