ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2021
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Batanes at Babuyan Island dahil sa Bagyong Fabian.
Sa Tropical Cyclone Bulletin No. 23, ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng mata ng Bagyong Fabian sa 530 km Northeast ng Itbayat, Batanes (23.5°N, 126.1°E) na may Maximum sustained winds na umaabot sa 150 km/h malapit sa sentro nito at pagbugsong aabot sa 185 km/h.
Hindi man umano magdadala ng malakas na pag-ulan ang Bagyong Fabian, pinalalakas naman nito ang Southwest Monsoon kaya ayon sa PAGASA, makararanas ng pag-ulan ang Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, at northern portion ng Palawan kabilang na ang Calamian at Kalayaan Islands “in the next 24 hours.”
Samantala, ayon sa PAGASA, inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Fabian bukas nang gabi o sa Sabado nang umaga.
Comments