ni Gina Pleñago @News | Feb. 17, 2025

Photo: Bataan Nuclear Power Plant
Iginiit ni dating Senador Manny Pacquiao na dapat magkaroon ng malinaw at pangmatagalang solusyon sa problems sa power supply.
Binigyang-diin ni Pacquiao na malaking sagabal sa paglago ng ekonomiya ang pagkakaroon ng 'di maaasahang power supply na nagreresulta sa pagkadismaya ng mga mamumuhunan na nagbabalak magtayo ng negosyo sa bansa.
“Dito sa ating bansa ang number one na problema natin ‘yung power supply. At kaya nagdadalawang isip ‘yung mga namumuhunan na pumasok dahil nga may problema tayo sa power supply. Siyempre alam naman natin pagka problema ‘yan, malaking kawalan o disadvantage sa negosyo 'pag laging brownout,” ani Pacquiao sa isang press conference.
Para matugunan ang problemang ito, isusulong umano ni Pacquiao ang pagbuhay at pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant.
"Sa akin, dapat mayroon tayong talagang sarili nating nuclear power plant like 'yung sa Bataan kasi kung ganito nang ganito tayo, mabagal talaga, mabagal pa sa pagong ‘yung magiging development ng ating bansa," ani Pacquiao.
"Not like other countries na 'yung talagang progresibo at developed talaga 'yung country nila because talagang doon sila naka-focus. Sabi ko nga, talagang kailangan saanmang sulok ng bansa natin, lalo na sa mga highly organized city, 'yung mga fiber optic cable, papalitan na para hindi na magkakaroon ng problema."
Comments