top of page
Search
BULGAR

'Bata' Reyes, sinamahan lang niya ang fans sa brgy. hall

ni ATD - @Sports | March 16, 2021



Nilinaw ni Billiards legend Efren "Bata" Reyes na hindi siya inaresto ng mga pulis San Pedro, Laguna matapos makitang naglalaro siya sa isang exhibition game amid sa gitna ng pandemyang dulot ng coronavirus (COVID-19).


Sa panayam ng “24 Oras Weekend,” kay 66-year-old Reyes, sinabi ng billiards icon na sinamahan lamang niya ang mga nanonood na dinala sa Barangay Hall para magpaliwanag sa barangay officials.


Ayon pa kay Pinoy Billiards icon, pinagalitan ng mga awtoridad ang mga tao sa nasabing exhibition match dahil hindi sumunod at lumalabag ang mga ito, pati na rin ang may-ari ng bilyaran, sa health protocols.


Ikinuwento pa ni Reyes na walang permit ang nasabing bilyaran kaya sinita ang mga ito kasama ang may-ari at pinapunta sa barangay, pagkatapos masermunan ay pinauwi na rin ang mga dinalang mga tagahanga ng Billiards champion. "Kaya naman dinala 'yung mga gamit dahil wala daw permit, tinanong kung may permit yung bilyaran, wala palang permit. At hindi rin natimbre," pahayag ni former World Champion, Reyes.


Sinabi rin ni former WPA Eight at Nine Ball Champion, Reyes na hindi sapilitan ang pagdala sa kanya sa Barangay. "Binulungan ako ng pulis, sabi ganon 'idol baka puwede kang pumunta, samahan sila para suporta sa mga tao, eh alam mo naman ikaw naman ang naglalaro rito, sumama ako siyempre para suportahan ang mga tagahanga ko ang mga 'yon eh," saad ni Reyes. Nagpasalamat naman si Reyes sa kanyang mga tagahanga na patuloy siyang sinusuportahan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page