top of page
Search

‘Bata-bata’ system, iiral sa DOTr?

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 4, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SOLID NORTH SUPORTADO SI SEN. BONG GO -- Itinaas ng apat na kilalang personalidad sa Solid North na sina former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, Baguio City Mayor Benjamin Magalong at pamilya Albano at Dy ng Isabela ang kamay ni reelectionist Sen. Bong Go na tanda na suportado nila ang kandidatura nitong muli sa pagka-senador.


Patunay ang suporta nilang iyan na nagugustuhan nila ang “bisyong magserbisyo” o serbisyo-publiko ni Sen. Bong Go kung kaya’t silang mga taga-Solid North ay solid ang suporta sa reeleksyunistang senador, palakpakan naman diyan!


XXX


WALA NA TALAGANG MAG-FOLLOW-UP SA MGA KASO NG PAMILYA MARCOS DAHIL MGA APPOINTEE NI PBBM ANG MGA NAKATALAGA NGAYON SA PCGG AT OSG -- Makalipas ang 39 taon, isa na namang kasong may kinalaman sa P5 million (malaking halaga na iyan noong 1987) ill-gotten wealth ng pamilya Marcos ang dinismis dahil ayon sa Sandiganbayan ay hindi na nagpa-follow-up sa kasong ito ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Solicitor General (OSG).


Hay naku, talagang hindi na magpa-follow-up ang PCGG at OSG sa kasong iyan at maging sa iba pang kaso ng pamilya Marcos kasi nga ang mga nakatalagang mga opisyal ngayon sa dalawang ahensya na iyan ng pamahalaan ay mga appointee ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM), boom!


XXX


‘BATA-BATA’ SYSTEM IIRAL NGAYON SA DOTr? -- Pinag-resign ni newly-appointed Dept. of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon ang lahat ng mga dinatnan niyang undersecretary at assistant secretary at pagkaraan ay mga katropa na niya ang itinalaga sa mga binakanteng posisyon ng mga usec. at asec. ng DOTr.


So, malinaw ang ibig sabihin niyan, na may iiral na “bata-bata” system ngayon sa DOTr, period!


XXX


GAMBLING LORD NG PIGO, UBOD NG LAKAS SA MARCOS ADMIN -- Ngayong nabulgar na ang pumalit pala sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay Philippine Islands Gaming Operations (PIGO) ay dapat imbestigahan ng Senado at Kamara kung sino ang nasa likod ng bagong pasugalang ito na ang operasyon ay sa social media.


Dapat mahubaran ito ng maskara at malaman ng publiko, sino ang gambling lord na nasa likod nito kasi ubod naman ng lakas nito sa Marcos administration dahil nga matapos i-ban ang POGO, biglang sulpot ang PIGO, buset!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page