top of page

"Basura mo, pag-asa ko: Galing basura, gawing kabuhayan”... Pasig’s waste to wealtlh revolution, ilulunsad na sa pamumuno ni ate Sarah!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Chit Luna @News | Apr. 25, 2025




“Mula tambakan hanggang tagumpay,” iyan ang pananaw at adhikain para sa Luntiang Kinabukasan ng Pasig.


Ang programang ito ay higit pa sa pisikal na proyekto—dito ang bawat basura ay may bagong silbi.


Sa pamumuno ni Sarah Discaya, ang basura ay hindi na lamang itinatapon—ito ay binibigyang saysay.


Sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig nakatakdang itayo ang Recycling and Waste-to-Energy Manufacturing Hub. Layong gawing kabuhayan ang dating tinatawag na basura, na magtataas ng antas ng pamumuhay ng bawat Pasigueño sa pamamagitan ng mas malinis na kapaligiran at mas maraming oportunidad.

Ayon sa Section 22 ng Local Government Code, may kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na pumasok sa mga proyekto na direktang nakikinabang ang mamamayan.


Gamit ang prinsipyong ito, isinusulong ni Ate Sarah ang pagtatayo ng pasilidad na hindi lamang sasagot sa isyu ng basura, kundi magbibigay din ng kabuhayan at kuryente.


Ang mga plastic at solid waste materials ay ire-repurpose bilang eco-bricks at construction materials, pati na rin ang household products, school supplies, at kagamitan sa opisina. Lahat ng ito ay gawa mula sa basura—ngunit kalidad at gawang Pasig, para sa Pasig.


Hindi rin matatawaran ang benepisyo sa enerhiya. Ang mga hindi na kayang i-recycle na basura ay gagamitin sa isang waste-to-energy system na magpo-produce ng malinis na kuryente.


Makatutulong ito sa pagpapatakbo ng barangay facilities, pag-iilaw sa mga lansangan, at pagbawas ng electricity costs para sa maliliit na negosyo.


Bukod sa kita, makatutulong din ito sa pagtipid ng gobyerno sa gastos sa basura.

Bilang suporta sa adbokasiya ng tamang pamamahala ng basura, isasagawa rin ang malawakang information campaigns, school-based eco-programs, at barangay clean-up drives. Sa tulong ng mga paaralan at community groups, ipapaabot sa kabataan at komunidad ang kahalagahan ng zero waste lifestyle at pagkakaroon ng malasakit sa kapaligiran.


Higit pa sa teknolohiya, binibigyang-halaga rin ng proyekto ang paglikha ng trabaho para sa lahat. Bubuksan ang mga oportunidad para sa solo parents, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at kabataang naghahanap ng kabuhayan.


Magkakaroon sila ng libreng skills training, certification, at access sa livelihood programs gamit ang recycled materials—isang pangmatagalang hakbang tungo sa self-sufficiency.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page