ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 20, 2024
According to some showbiz reliable sources ay basted daw si Jericho Rosales sa panliligaw nito kay Kathryn Bernardo.
Ewan lang kung ano’ng naging dahilan ni Kathryn o hindi niya feel ang lalaking mas may-edad sa kanya.
Kunsabagay, kani-kanyang type lang ‘yan when it comes to love life, ‘ika nga.
But after Kathryn Bernardo ay si Janine Gutierrez naman daw ang nililigawan nitong si Echo. How true, Janine?
Isang laughing emoji lang daw ang naging sagot ni Janine when asked by some reporters.
Pero kamakailan lamang daw ay kumalat ang kuha nina Janine at Jericho na nasa National Museum sa Maynila na silang dalawa lamang.
Sa Instagram (IG) post ni Janine ay nag-comment du’n ang ina niyang si Lotlot de Leon ng, “Ah, excuse me po, sino po ang kasama mo sa pagpunta d’yan? Hmmmm.”
Sinagot ito ni Jericho ng, “Nag-doorbell po ako para magpaalam pero hinabol ako ng aso, eh.”
Huh? Hindi siya feel ng aso nina Janine? Hahaha! ‘Kalokah!
Mukhang nanliligaw nga itong si Jericho, at ‘yun din naman ang narinig namin sa ilang kapatid sa panulat.
Ang isa pang narinig namin tungkol kay Kathryn Bernardo, isang non-showbiz guy daw ang talagang nakatutok at pursigido sa panliligaw sa aktres.
Hindi naman daw si Alden Richards, at para lang daw ‘yun sa kanilang pelikula.
Boom, ‘yun na!
Comments