ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 19, 2025

HIGH RATING NI VP SARA, ITINANGGI NG OCTA, FAKE NEWS PALA -- Itinanggi ng OCTA Research firm na may inilabas silang survey na mas mataas na rating daw ang nakuha ni Vice President Sara Duterte-Carpio kaysa kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM).
Kung ganu’n, fake news pala ang ikinalat ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) vloggers patungkol sa high rating ni VP Sara.
Dapat tantanan na ng DDS vloggers ang pagpapakalat ng fake news kasi kay VP Sara nagbu-boomerang ang mga pinu-post nilang fake news sa social media, boom!
XXX
IPIT ANG SC, KAPAG NAG-YES SILA SA IMPEACHMENT NI VP SARA IBA-BASH NG MGA DDS AT KAPAG NAG-NO BASH DIN ABUTIN NILA SA MARCOS LOYALISTS -- Matapos magtungo si Atty. Catalino Generillo, dating abogado ng Presidential Commission on Good Govt. (PCGG) sa Supreme Court (SC), at hiniling na atasan ang Senado na itatag na ang impeachment court para ma-impeach na si VP Sara, ay nagtungo din ang mga Davao lawyers sa SC at hinihiling na atasan ang Senado na huwag ituloy ang impeachment sa bise presidente dahil depektibo raw ang mga nilalaman ng mga impeachment complaint sa vice president.
Ipit diyan ang SC, kasi kapag ipinatuloy nila ang impeachment tiyak puputaktihin sila ng pamba-bash ng mga DDS vlogger, at kapag ipinatigil naman, tiyak puputaktihin din sila ng pambaba-bash ng Marcos loyalist vloggers, period!
XXX
MALAMANG MAGING MAGKAKOSA SA SELDA SINA EX-P-DUTERTE AT VP SARA KAPAG GUILTY ANG NAGING HATOL NG KORTE -- Sinampahan ni PNP-CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) Director, Brig. Gen. Nicolas Torre si ex-P-Duterte ng mga kasong inciting to sedition at unlawful utterance kaugnay sa sinabi ng dating presidente na dapat daw pumatay sila ng 15 senador para manalo ang mga kandidato niya sa pagka-senador.
Naku, kapag guilty ang naging hatol ng korte kay ex-P-Duterte, tapos guilty rin ang naging hatol ng hukuman kay VP Sara sa kasong inciting to sedition din at grave threats na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa bise presidente patungkol naman sa pagbabanta sa buhay nina PBBM, First Lady Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez, malamang ay maging magkakosa se selda ang mag-amang Duterte, boom!
XXX
BASTA PAHIRAP SA MAMAMAYAN, LAGING APRUB SA MARCOS ADMINISTRATION -- Inanunsyo ng Light Rail Manila Consortium (LRMC) na inaprub na ng Dept. of Transportation (DOTr) ang hirit nilang taas-singil sa pasahe ng mga LRT at ito raw ang iiral sa April 2025.
Pambihira talaga ‘tong Marcos administration, basta’t dagdag-pahirap sa mamamayan, laging aprub! Tsk!
Comentarios