ni Nitz Miralles @Bida | June 27, 2024
May sumugod sa Instagram (IG) ni Dominic Roque para lang i-share ang naibalita ni Ogie Diaz na may new boyfriend na si Bea Alonzo. Walang reaction si Dominic pati ang mga nakabasa sa nai-share ng mga netizens. I’m sure, may nag-abang sa isasagot ni Dominic, pero hindi siya sumagot.
Mas focused ang mga kaibigan at followers ni Dominic sa pagko-congratulate sa kanya sa ibinalita nitong baptism niya as a Christian. Ipinost nito ang baptism niya kasabay nina Cristine Reyes at Catriona Gray.
Sey ni Dominic, “Overflowing with gratitude for God’s grace. Baptized with love and faith alongside my closest friends in the church that feels like home. Grateful for the community, the pastors, and the journey of worship. @favor.mnl Thank you, Pastor James.”
Isa sa may magandang message for Dominic ay si Gina Alajar na nag-comment ng, “God bless your heart, Dom.”
May mga comments din sina Cristine, Ara Mina, Gab Valenciano, at pati nga ang BeaDom fans nina Dominic at Bea, nag-comment din na proud sila kay Dominic Roque.
Pabor sa divorce si Carla Abellana at muli niya itong sinabi sa interview sa kanya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras. Nagpahayag na rin ng pagpabor sa divorce si Carla nang unang mai-report na naaprubahan sa Second Reading ng House of Representatives ang Absolute Divorce Act at hindi nagbago ang kanyang pananaw tungkol dito kahit marami ang hindi pabor.
Maganda ang argumento ni Carla tungkol dito.
Sey ni Carla, “Pabor ako sa divorce at sa tingin ko, ang daming magbe-benefit. Marriage can be toxic. There are marriages na nag-stay lang ang mag-asawa for their children, pero hindi na healthy. Sana maaprubahan at ma-finalize na.”
Naibalita pala namin na magge-guest sa It’s Showtime ang cast ng Widows’ War to promote the series. Pero, sa mga nakita naming photos, si Carla lang ang nag-guest at nag-promote.
Samantala, may nakasabit sa bagong bahay ni Carla Abellana na quotation na “This Home Was Built By God, For God. Faith Over Fear, Always. Thank You Lord.”
BALITANG sa July 15 na magsisimula ang airing ng Will to Win (WTW), ang comeback show ni Willie Revillame sa TV5. Monday to Friday pa rin ito mapapanood, 5:00 PM, bago ang newscast ng network na Frontline Pilipinas.
Naibalita rin na malalaking papremyo ang ipamimigay ni Willie at ng kanyang show at bukod sa cash prizes, may brand new car pa na mapapanalunan ng masuwerteng contestant.
Dahil matagal pa ang pilot ng WTW, tiyak na marami pang madaragdag na papremyo sa show.
Bukod kay Willie at sa maraming prizes, inaabangan din ng mga viewers ang magiging female co-hosts niya. Ipinakilala na sila, pero iba pa rin kapag napapanood na sila sa show at araw-araw na makakasama ni Willie Revillame.
INUNAHAN na ni Ruffa Gutierrez ang Bb. Pilipinas sa pag-a-announce that she’ll be hosting the coronation night sa July 7. Nataon na birthday salubong ni Ruffa ang tawag ng Viva Artist Agency para ibalitang host siya ng nasabing pageant.
Singkwenta na si Ruffa sa birthday niya nu’ng June 24, pero wala sa hitsura niya at kahit ibinuking ni Karla Estrada na takot si Ruffa na mag-50 years old, para namang wala sa hitsura nito. Bagay nga ang caption niya sa post niyang “Unbothered.”
May appreciation post naman si Ruffa sa parents niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
Aniya, “Nothing fancy. Just spending quality time with my Mom & Dad on June 24, my actual birthday. Through thick and thin, my parents are always by my side. Thank you for all that you do. Hawak kamay forever and ever. I love you both.”
Hindi natapos ang birthday celebration ni Ruffa sa birthday salubong sa kanya dahil may pinaplano siyang birthday celebration with her friends sa Singapore. Sana naman, kasama si Herbert Bautista sa paglipad nila pa-Singapore. Open na naman sila sa kanilang relasyon at tanggap na si Herbert ng parents at siblings ni Ruffa.
Kommentare