top of page
Search
  • BULGAR

Basta happy daw ang amiga niya… MELAI, BOTO KAY PAULO PARA KAY KIM

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 27, 2024



Showbiz News

Sumakit ang panga ng entertainment press na dumalo sa mediacon ng bagong talk show ni Melai Cantiveros sa katatawa sa dami ng super funny punchlines ng comedienne-TV host.


Napakanatural at effortless magbitaw ng mga nakakatawang sagot nitong si Melai at talaga namang kahit wala ka sa mood ay mapapangiti ka once bumuka na ang bibig niya. 


Kuwento ni Melai, ang kanyang asawang si Jason Francisco ang nag-inspire sa kanya na maging host dahil sa sobrang daldal niya. At nakita rin naman ni Direk Laurenti Dyogi na head ng Star Magic at business unit head ng… ang potential at kakayahan ni Melai na mag-host at magpatawa kaya naisip niyang bigyan ito ng sariling talk show na para

sa mga Bisaya, ang Kuan on One


At dahil more of Visayan language ang gagamitin sa show, mga celebrities din na kapwa Bisaya ni Melai ang mga guests niya tulad nina Kim Chiu (sa pilot episode), Maymay Entrata, Christian Bables, Vivoree Esclito, Anj Salvacion and yes, si Tito Boy Abunda. 


Pero ani Melai, pakaabangan ang episode nila ni Kim Chiu dahil may sinabi raw doon ang kanyang ‘amiga’ na talagang hinangaan niya sa kaibigan. 


Ayaw pang mag-share ni Melai kung napag-usapan nila ni Kim si Paulo Avelino na bagong nali-link sa aktres. Pero when asked kung boto ba siya kay Paulo para kay Kim at isa rin ba siya sa mga kinikilig sa mga eksena ng dalawa sa What’s Wrong with Sec. Kim, lalo na sa napakaraming kissing scenes ng mga ito, ani Melai, sino ba namang hindi kikiligin sa KimPau? 


Nagulat nga raw siya at bilib na bilib kay Kim sa galing nitong umarte at kung paano nito nagawa ang maraming kissing scenes, dahil kung siya ‘yun, ‘di raw niya kakayanin. 


Ani pa ni Melai, deserve naman daw ni Kim ang lumigaya kaya kung saan ito masaya, happy na rin siya para sa kanyang amiga. 


Samantala, tinanong uli namin si Melai kung na-consider na ba niyang magpa-enhance ng face niya dahil paulit-ulit niyang sinabi sa mediacon na ‘di siya maganda. 


Pag-amin niya, inalok na pala siya noon ni Dra. Vicki Belo para iretoke ang nose niya nang maging Kristine Hermosa ang beauty niya pero tinanggihan niya dahil sa takot na baka ‘di siya makahinga at mategi pa siya. 


Inalok din daw siya ni Dr. Steve Mark Gan ng GAOC Dental Clinic para ayusin ang kanyang mga ngipin pero sa X-ray pa lang daw kung saan sinabi sa kanya na dahil magkakaiba ang sizes ng kanyang mga ngipin at kailangan pa ng ‘further study’ para rito, umatras na siya. 


“Sus, doktor na siya, mag-aaral pa uli para lang sa ngipin ko, ‘wag na, uy,” ang nakakatawang hirit ni Melai. 


As long as tanggap naman daw siya ng kanyang ‘kuan’ na si Jason at ng dalawa nilang anak na sina Mela at Stella, solb na siya sa kanyang hitsura. 


Anyway, sa July 2, Martes, na ang simula ng Kuan on One hosted by Melai Cantiveros na mapapanood sa IWant TFC at sa YouTube Channel ng Kapamilya Network.


 

NAKAKABILIB ang 20 candidates sa Aliwan Fiesta Reyna ng Aliwan this year, wala kang itulak-kabigin dahil bukod sa magaganda, brainy pa, ha?


Humarap sa press people ang 20 candidates sa ginanap na Aliwan Fiesta press conference nu'ng June 24 sa Custom Space 2, Aliwan Theater kung saan isa-isa silang nagpakilala at sumalang sa Q&A, kaya parang nakapagpraktis na rin sila para sa sinalihan nilang beauty pageant, 'di ba?


In fairness sa mga kandidata, confident sumagot in English at may laman ang kanilang mga sagot, na sana lang, sa mismong Q&A sa Reyna ng Aliwan ay ganu'n pa rin ang presence of mind nila.


At take note, all girls at walang pa-ghorl lang sa mga kandidata ng Reyna ng Aliwan dahil ayon sa pamunuan ng MBC Media Group, sa ilang taon nilang ginagawa ang Aliwan Fiesta simula nu'ng 2003, hindi pa naman nababago ang kanilang ruling at hindi pa sila open sa ngayon sa pagtanggap ng applicant from LGBT community.


Anyway, bukod sa Reyna ng Aliwan na taun-taong inaabangan sa selebrasyon ng Aliwan Fiesta, magkakaroon din ng Tugtog Aliwan Competition ngayong Huwebes (June 27) at 5 PM sa Sotto Street, CCP Complex, na susundan ng Pasakalye Concert at 7 PM.


Sa Day 2 (June 28) naman ng three-day event magaganap ang Reyna ng Aliwan pageant sa Aliw Theater at 7 PM.


At sa Day 3 (June 29), gaganapin ang bonggang-bonggang Grande Parade and Streetdance and Float Competition at 5 PM kung saan mula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas ang mga sumaling kalahok.


Susundan ito ng Awarding Ceremonies para sa Aliwan Fiesta sa ganap na 9 PM.


Kaya inaanyayahan ang mga kababayan natin na sumugod na sa Aliwan Fiesta at makiisa sa mga activities nang sa gayon ay maramdaman pa rin natin at masaksihan ang mga kulturang Pinoy.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page