Julie Bonifacio - @Winner | November 21, 2020
No reaction si Coco Martin sa mga sumubok na parunggitan siya sa diumano'y hindi pagtulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Si Coco ang isa sa mga artista na hindi na kailangang sabihan pa para tumulong. Kusa sa loob niya ang pagtulong sa kapwa. At isa pa, 'di na niya kailangang ipaalam ang pagtulong na ginagawa niya in public.
Sa ngayon, naka-focus nang husto si Coco sa FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN lalo pa't napapanood na rin ang kanyang action-serye gabi-gabi sa telebisyon.
Siyempre, ayaw naman ni Coco na puchu-puchu lang ang mapapanood ng mga followers niya sa longest teleserye ngayong Ang Probinsyano.
Balita namin ay nagkumahog sa pag-i-scan ang mga fans ni Coco para hanapin ang A2Z channel 11, habang ang mga netizens naman ay excited mapanood ang karakter ni Coco sa Ang Probinsyano bilang si Cardo at nag-celebrate sa pagdating ng A2Z channel 11 sa digital TV boxes.
Simula kasi nang maging available na ulit ang A2Z channel sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, mas marami na ang nakakasubaybay sa mga Kapamilya shows na na-miss talaga nilang panoorin mula umaga, tanghali at hanggang gabi.
May nakita rin kaming posts online na nagpasalamat sa balitang ito dahil hindi na raw nila kailangang gumastos ng mobile data para makapanood ng Kapamilya shows sa YouTube at Facebook.
Siyempre, bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, showing din sa A2Z ang ibang Kapamilya teleserye na may bagong episodes gaya ng Ang Sa Iyo Ay Akin, Bagong Umaga at Walang Hanggang Paalam.
May educational programs ding umeere sa A2Z tuwing umaga at kiddie shows naman sa hapon. Makakatulong ito sa mga magulang na nahihirapan nang maghanap ng paraan para malibang at matuto ang mga anak nila sa bahay sa panahon ngayon.
Ang tagal ding nanahimik ng TV set namin sa umaga mula nang mawala ang ABS-CBN sa digital box. Ngayon, bago mananghalian, 11 am, watch na kami ng Magandang Buhay diretso na sa It's Showtime.
Kapag Linggo naman, after ng Sunday Worship and Healing Service ng Jesus is Lord Church Worldwide, aabangan na namin ang ASAP.
Enjoy din ang mga netizens na mag-weekend bonding sa A2Z at manood ng mga hit na pelikula, pati na ang I Can See Your Voice, Paano Kita Mapasasalamatan at Iba ‘Yan
Say naman ng A2Z sa Facebook page nito, i-scan lang ang digital TV boxes para mahanap ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang parte ng Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, at Pampanga.
Huwag ding magtaka ang mga viewers kung magkakaiba ang channel assignment ng A2Z sa iba-ibang lugar dahil ganu'n daw talaga ‘yun.
Base naman sa nakikita naming posts, maraming Pilipino pa na mula sa Visayas at Mindanao ang naghihintay ding mapanood ang A2Z sa TV nila. Hintay-hintay lang tayo dahil sigurado namang ginagawan ito ng paraan ng Zoe.
Korek!
Comments