ni Madel Moratillo | June 19, 2023
Bawal ulit ang basaan sa Wattah Wattah Festival sa San Juan City, Hunyo 24.
Pero sa pagkakataong ito, dahil naman sa banta ng El Niño kung saan inaasahan ang kakapusan ng suplay ng tubig.
Matatandaang noong 2020 at 2021 ipinagbawal din ang basaan sa Wattah Wattah Festival dahil naman sa COVID-19 outbreak.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nais nilang maisulong ang pagtitipid at pagre-recycle ng tubig.
Sa halip na ang tradisyonal na basaan ng tubig tuwing pista, ipaparada na lang ang patron ng lungsod na si San Juan Bautista at magbabasbas.
Una rito, nagkaroon din ng water conservation drive sa lungsod sa pamamagitan ng Biking Parade nitong Sabado na pinangunahan ni Zamora. Layon ng aktibidad na ipanawagan ang pagtitipid ng tubig.
Opmerkingen