ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 9, 2023
Hinarang ang pagpasok sa Pilipinas ng isang Amerikano dahil sa 'bad manners' at paggamit ng 'expletives' sa eTravel online platform, ayon sa Bureau of Immigration (BI) ngayong Huwebes.
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang Amerikano bilang si Anthony Joseph Laurence, 34, na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa Thailand noong Martes, Nobyembre 7.
"The passenger initially showed disdain towards the primary inspector after he was reminded to fill out the eTravel online form," sabi ni Tansingco.
Matapos asikasuhin ang eTravel form, iniulat ni Tansingco na padabog na tinapon ng Amerikano ang kanyang pasaporte at cellphone sa immigration officer sa kanyang pagbalik.
"After verifying in our system, the officer discovered that the passenger keyed in a made-up address in the Philippines, did not include his full name, and inputted profane words in his entry," dagdag ni Tansingco.
Binanggit din niya na pinapayuhan ang mga immigration officer sa airport na magpakita ng maximum tolerance sa lahat ng mga pasahero, ngunit sumobra na sa limitasyon ang Amerikano.
Comments