top of page
Search
BULGAR

Barko sumabog sa Dubai, bolang apoy nagliparan, lumindol pa


ni Lolet Abania | July 8, 2021


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad sa Dubai ang naganap na pagsabog ng isang container ship na may kargang flammable materials, kung saan nagkaroon ng nagliliparang bolang apoy sa isa sa tinaguriang busiest ports sa buong mundo at nagpayanig sa buong siyudad ngayong Huwebes.


Agad na rumesponde ang mga bumbero sa Jebel Ali Port, Dubai para apulahin ang apoy na sumiklab mula sa isang malaking barko na may dalang container na ayon sa mga awtoridad ay naghahanda na sa pagdaong sa pantalan.


Makapal na usok at apoy ang lumalabas mula sa barko subalit naapula ng mga bumbero ang sunog sa loob ng 40 minuto habang wala namang naiulat na namatay o nasugatan, at ang lahat ng 14 crew members ay nakalikas bago pa ito tuluyang sumabog.


“Thank God, everything is safe. But this is a natural accident that happened in one of the containers, which was also carrying some flammable materials. There was no other reason,” pahayag ni Mona Al Marri, director ng Dubai Media Office, sa Al-Arabiya television.


Ayon kay Marri, inaalam na nila ang naging sanhi ng pagsabog, habang ang mga police vehicles at fire trucks ay nananatiling nakaistasyon ngayong araw sa matinding nawasak na barko na may mga makikita pa ring containers na nasusunog.


Sinabi naman ng mga residente sa mga apartment towers at mga villa na malapit sa coast, nakarinig sila ng malakas na pagsabog nang oras na iyon habang naramdaman at nakita nila ang pagyanig ng mga bintana at pinto matapos na magliparan ang mga fireball sa himpapawid, kung saan ilan sa kanila ay nagbi-video pa mula sa kanilang balcony.


Sa ulat ng Dubai police, tatlo sa 130 containers ng naturang ship ay naglalaman ng flammable materials. “Initial reports indicate that...friction, or heat, may have led to the blast,” ani Dubai Police Chief Abdullah al-Marri Dagdag pa niya, wala namang radioactive substances o explosives na nilalaman ang mga containers. “The port authority was taking all necessary measures to ensure the normal movement of ships in the port continues without any disruption,” pahayag ng Dubai Media Office.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page