ni Lolet Abania | December 8, 2021
Sugatan ang isang police instructor at kanyang trainee matapos ang umano’y naganap na ‘accidental’ firing sa Aringay, La Union, kahapon.
Sa isang statement ng Philippine National Police ngayong Miyerkules, kinilala ang instructor na si Police Corporal Benie Dupayat, 32, at ang kanyang trainee na si Patrolman John Conrad Villanueva, 23.
Nasa Regional Training Center-1 ang grupo na habang dine-demonstrate ni Dupayat sa mga trainees ang operating functions ng isang caliber 45 pistol, nang ang naturang demo gun ay mag-malfunction at biglang pumutok.
Isang slug cut ang dumale sa palad ni Dupayat, habang tinamaan naman si Villanueva.
Agad na isinugod sa Caba District Hospital para gamutin ang dalawang biktima. Agad namang ni-review ni PNP chief Police General Dionardo Carlos, ang polisiya hinggil sa kanilang weapons training para maiwasan na ang ganitong insidente sa mga isasagawa pang police training courses lalo na sa kanilang live fire exercises.
“If accidents like this can happen in training even under controlled conditions, it is likely to happen anytime during the course of normal police functions involving firearms and live ammunition,” paliwanag ni Carlos.
“We remind our instructors to ensure safety at all times, in this case, foremost, no loaded firearms and live ammunition inside the classroom even for training purposes,” dagdag pa ng opisyal.
Comentários