ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 27, 2025
Walang mangyayaring bardagulan ng mga fans nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach sa Paris Fashion Week (PFW) this January dahil skip muna si Pia.
Sa comment na, “Can’t wait for your PFW, MFW, NYFW 2025,” sagot ni Pia, “Thank you! Not going this January!”
Sagot naman ng fan, “It’s okay Pia we’re still going to make hintay of your pasabog.”
Sa desisyong ito ni Pia na hindi dumalo sa PFW, mami-miss natin ang bardagulan ng mga fans nila ni Heart. Isyu lagi sa dalawang kampo ang OOTD (outfit of the day), reels, puwesto kapag nanonood ng fashion show, at mga nami-meet nilang celebrities. Pati nga numbers of invites, nagpaparamihan ang mga fans ng dalawa, samantalang sina Heart at Pia, attend lang nang attend.
Hindi sinabi ni Pia ang rason kung bakit she’s skipping PFW, pero ang haters nito, parang alam ang sagot sa mga comments nilang kaya hindi magpa-Paris Fashion Week
si Pia ay dahil walang nag-imbita sa kanya. May nag-akala pang baka wala siyang budget.
Mayroon namang nag-isip na baka pregnant si Pia, kaya hindi pupunta sa PFW. But seeing her photo na naka-crop top at kita ang belly, hindi siya preggy. Masaya pa rin ang mga fans ni Pia kahit wala siyang ganap sa PFW, kita naman nila na masaya ito sa buhay sa Dubai kasama ang husband na si Jeremy Jauncey.
AYAW tigilan si Jak Roberto ng mga netizens dahil kahit saan ito magpunta, laging may nagbabanggit ng pangalan ng ex niyang si Barbie Forteza. O, ‘di kaya, may nakakakuha ng picture niya na hagip ang billboard ni Barbie.
Sa Sinulog pa rin, habang nasa float si Jak, may nagtanong kung nasaan si Barbie, bagay na hindi nagustuhan ng ibang mga netizens. Kabastusan daw ang ginawa ng nagtanong dahil alam naman na break na ang dalawa. Hindi pa nakuntento ang nagtanong, inulit pa ang tanong, saka tumawa.
Mabuti at cool lang si Jak, nilapitan siya ni Dominic Roque na kasama niya sa float at tinapik sa balikat na parang gustong sabihin na kalma at relax lang. In fairness kay Jak, ngumiti lang sa netizen na nagtanong.
May sumunod pang insidente na bukambibig din ng tao si Barbie.
Sa isang event sa San Pablo, Laguna, kumanta si Jak ng Umuwi Ka Na Baby. Nakikanta ang mga audience, kaya lang sa halip na “Baby,” ang isinigaw ba naman ay “Umuwi ka na, Barbie!”
Napa-“Ano?” tuloy si Jak, pero nakangiti.
Matagal pa bago tigilan si Jak ng biro at kantiyaw sa kanila ni Barbie. On the other hand, si Barbie, parang wala nang nagtatanong tungkol kay Jak at puro David Licauco ang bukambibig ng fans.
BIRTHDAY ni Ysabel Ortega noong January 25 at ipinost nito ang bouquet of flowers na regalo sa kanya ng boyfriend na si Miguel Tanfelix habang hawak ng aktor. Ipinost naman ni Miguel ang photo nila ni Ysabel na may caption na, “Maligayang Kaarawan sa Mahal Ko.”
Ayan, wala na sigurong magtatampong YsaGuel fans dahil feeling nila, nakakalimutan na ni Miguel si Ysa. Puro na lang daw Mga Batang Riles (MBR) ang focus ni Miguel at out na si Ysabel.
May nag-post pa na iniwan ni Miguel si Ysabel sa All-Out Sundays (AOS) na fake news pala. Si Derrick Monasterio mismo ang saksi na hindi totoo ang nangyari.
May ilang netizens naman na nakulangan sa birthday gift ni Miguel sa GF. Flowers lang daw ba ang gift niya, wala na bang iba? May iba naman na binilang ang flowers na regalo ni Miguel, iilan lang daw at tinawag pang kuripot ang aktor.
Nakakaloka ang mga fans, pati ang regalo ni Miguel, ginawang isyu. Tanong tuloy ng YsaGuel fans, ano ba dapat ang iregalo ni Miguel kay Ysabel para sumaya ang mga ito na hindi naman kasali sa relasyon ng dalawa?
Comments